Isang Araw na Dapat Alalahanin
Nang gabing bago siya namatay, kasalo ni Jesus sa isang piraso ng tinapay na walang lebadura at sa isang kopa ng alak ang kaniyang mga apostol at sinabi niya: “Patuloy na gawin ninyo ito sa pag-aalaala sa akin.”—Lucas 22:19. Sa taóng ito ang anibersaryo ng kaniyang hiniling na iyan ay pumapatak sa Abril 17, pagkalubog ng araw.
Kung gayon, ang mga Saksi ni Jehova sa buong daigdig ay magtitipon sa pantanging gabing ito upang ulitin ang Pag-aalaalang ito ayon sa hiniling ni Jesus na paraan. Ikaw ay buong-pusong inaanyayahan na makipagtipon sa amin. Pakisuyong makipag-alam sa mga Saksi ni Jehova sa inyong lugar para sa eksaktong oras at lugar ng pagtitipon.