Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w92 9/15 p. 32
  • Nalaman Nila ang Pangalan ng Diyos

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Nalaman Nila ang Pangalan ng Diyos
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
w92 9/15 p. 32

Nalaman Nila ang Pangalan ng Diyos

ANG unang aklat na kinikilalang isinulat at inilathala sa mga kolonyang Amerikano ng Inglatera ay ang Bay Psalm Book. Nilimbag ni Stephen Daye sa Massachusetts Bay Colony noong taóng 1640 ang orihinal na edisyon nito. Taglay ng sinaunang publikasyong iyan ang aklat ng Bibliya na Mga Awit, isinalin buhat sa Hebreo sa wikang Ingles na sinasalita at isinusulat noong panahong iyon.

Ang isang kapuna-punang katangian ng Bay Psalm Book ay ang paggamit ng banal na pangalan sa ilang talata. Kaya, sinumang bumabasa ng aklat na iyan sing-aga ng mga 350 taóng lumipas ay nakaalam ng pangalan ng ating Maylikha. Sa edisyong iyan, halimbawa, sa Awit 83:17, 18 ay mababasa: “Mangalito sila magpakailanman, at lubhang mabagabag: oo, mangapahiya sila, at mangalipol. Upang maalaman ng mga tao; na ikaw lamang na ang pangalan ay IEHOVAH, ang kataas-taasan sa buong lupa na nangungunang pinakamataas.”

Mangyari pa, higit ang hinihiling ng kataas-taasang Diyos kaysa kilalanin lamang natin na ang kaniyang pangalan ay Jehova (Iehovah). Sa Bay Psalm Book, sinasabi ng Awit 1:1, 2 na ang isang “taong mapalad” ay hindi lumalakad sa payo ng masama, “kundi nasa kautusan ni Iehovah, ang kaniyang nasasabik na kaluguran.” Ang rebisadong New England Psalms noong 1648 ay nagsasabi: “Kundi sa kautusan ni Jehova naroon ang kaniyang buong kaluguran.”

Dito ang ika-20-siglong New World Translation of the Holy Scriptures ay kababasahan: “Maligaya ang tao na hindi lumalakad sa payo ng mga balakyot, at hindi tumatayo sa daan ng mga makasalanan, at hindi umuupo sa upuan ng mga manlilibak. Kundi ang kaniyang kasayahan ay nasa kautusan ni Jehova, at binabasa ang kaniyang kautusan at binubulay-bulay araw at gabi.”

Upang lumigayang tunay, kailangang itakwil ng isang tao ang payo ng mga balakyot. Hindi siya susunod sa halimbawa ng mga makasalanan at hindi makikisama sa manlilibak na mga balakyot. Bukod dito, kaniyang iiwasan ang pakikisama sa mga taong ang payo at pamumuhay ay makaaakit sa kaniya sa seksuwal na imoralidad, pag-aabuso sa droga, at iba pang mga gawaing labag sa kautusan ng Diyos. Oo, ang tunay na kaligayahan ay depende sa pagkakilala sa tunay na Diyos, na ang pangalan ay Jehova, at sa pagsunod sa kaniyang kautusan na inihahayag ng Bibliya.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share