Ang Pinakamahalagang Pangyayari sa Kasaysayan
Bakit nga gayon? Ang pangyayari ay ang kamatayan ni Jesu-Kristo.
Ito’y nagbabangong-puri sa soberanya ng Diyos at nagpapatunay na ang isang tao ay makapananatiling may sakdal na katapatan sa Diyos. Ito’y nagbukas sa sangkatauhan ng pag-asang magkamit ng buhay na walang-hanggan sa mga kalagayang malaparaiso. Si Jesus mismo ay nagtatag ng isang alaala ng kaniyang kamatayan noong gabi bago siya mamatay.
Iyon ay isang simpleng seremonya. Sa panahon ng pagdaraos niyaon, sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad: “Patuloy na gawin ninyo ito bilang pag-alaala sa akin.” (Lucas 22:19, 20) Aalalahanin mo ba? Inaanyayahan ka ng mga Saksi ni Jehova na makisama sa kanila sa pag-aalaala sa pinakamahalagang pangyayaring ito sa kasaysayan. Sa taóng ito ang araw ay Martes, petsa Abril 6, pagkalubog ng araw.
Pakisuyong makipag-alam sa Kingdom Hall na pinakamalapit sa inyo para sa eksaktong oras at lugar. Walang kulekta, at ang mga panauhin ay inaanyayahan na makinig sa isang nakapagtuturong pahayag at magmasid sa simpleng mga kaganapan doon.