Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w93 4/15 p. 32
  • Setrong Granada Buhat sa Bahay ni Jehova?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Setrong Granada Buhat sa Bahay ni Jehova?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
w93 4/15 p. 32

Setrong Granada Buhat sa Bahay ni Jehova?

ANG mga arkeologo sa Israel ay nakahukay ng maraming setro, mga baras na dala ng mga taong nasa tungkulin. (Genesis 49:10; Esther 8:4; Ezekiel 19:14) Ang ilang mga setrong natuklasan sa Lachish ay may ulo na korteng granada. Kilalang-kilala ng mga lingkod ng Diyos ang prutas na ito.​—Deuteronomio 8:8; Awit ni Solomon 4:13.

Ang garing na granada na nasa pamumukadkad, sa kaliwa, ay natagpuan hindi pa natatagalan. Ito ay 43 milimetro ang taas, at ang butas sa may bandang ibaba nito ay nagpapahiwatig na ito’y bahagi ng isang setro. Pansinin ang mga letrang nakasulat sa sinaunang istilong Hebreo noong ikawalong siglo B.C.E.

Ang isang bahagi ng garing ay natuklap noong sinaunang panahon, kaya ang ilang mga letra ay wala o ang iba lamang ang naroroon. Subalit, ang mga espesyalista sa sinaunang panulat ay nagmungkahi na isauli iyon gaya ng iginuhit sa ibaba. (Salig sa Biblical Archeologist) Ang di-pare-parehong espasyo sa pagitan ng mga letra ang dahilan ng dalawang prinsipal na pagbasa. Ang iskolar na Pranses na si André Lemaire ay naghandog ng pagbasang “Pag-aari ng Tem[plo ng Pangi]noon [Yahweh], banal sa mga saserdote.” Si Nahman Avigad ay nagmungkahi ng “Sagradong donasyon para sa mga saserdote ng [sa] Bahay ni Yahweh.”

Sila at ang iba pang mga iskolar ay nanghinuha na sa simula pa ay taglay na ng setro ang apat na Hebreong karakter ng personal na pangalan ng Diyos​—na Jehova. Kaya maaaring binanggit nito “ang bahay ni Jehova,” isang pariralang karaniwang makikita sa Bibliya.​—Exodo 23:19; 1 Hari 8:10, 11.

Marami pa rin ang naniniwala na ang ulo ng setrong ito ay maaaring pag-aari ng isang saserdote sa templo na itinayo ni Solomon o na ito ay isang donasyon sa templong iyon. Kapuna-puna, ang disenyong granada ay kalimitang makikita sa templo ng Diyos.​—Exodo 28:31-35; 1 Hari 7:15-20.

[Picture Credit Line sa pahina 32]

Israel Museum, Jerusalem

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share