Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w93 5/1 p. 32
  • Magkano ang Iyong Ibabayad Para Rito?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Magkano ang Iyong Ibabayad Para Rito?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
w93 5/1 p. 32

Magkano ang Iyong Ibabayad Para Rito?

MAYROON ka bang alam na napakahalaga kung kaya handa kang isakripisyo ang lahat mong pag-aari upang iyon ay maging pag-aari mo? Gayon ang ginawa ni Jesus, at kaniyang sinabi iyon sa kaniyang mga tagasunod.

Aniya: “Ang kaharian ng langit ay katulad ng isang taong mangangalakal na humahanap ng magagandang perlas. At pagkasumpong ng isang mahalagang perlas, yumaon siya at ipinagbili ang lahat niyang tinatangkilik at binili yaon.”​—Mateo 13:45, 46.

Ang mangangalakal na iyon ay handang isuko ang lahat upang maging pag-aari niya ang “perlas”, ang Kaharian ng Diyos. Bakit? Sapagkat walang anupaman sa sanlibutang ito na maihahambing doon. Ang Kaharian ng Diyos ang lulutas sa mga suliranin na hindi kayang lutasin ng tao, tulad ng digmaan, gutom, krimen at paniniil.(Awit 72:4-8, 13, 14) Sa ilalim ng Kaharian, maging ang kasalanan, sakit at kamatayan ay mawawala na.(Apocalipsis 21:4,5) Hindi kataka-takang ang ikalawang kahilingan sa Panalangin ng Panginoon (ang “Ama Namin”) ay “Dumating nawa ang kaharian mo“!​—Mateo 6:9, 10.

Ano ba ang ibabayad mo upang makabahagi ka sa mga pagpapala ng Kaharian? Sa katunayan, ang mga pagpapala ay walang bayad. Subalit upang tamasahinang mga iyon, kailangang malaman mo kung ano ang Kaharian, maniwala ka na iyon ay isang katunayan, at bigyan iyon ng pinakamahalagang dako sa iyong buhay. Magagawa mo ba iyan? May impormasyon sa Bibliya na tutulong sa iyo. Bakit hindi payagang tulungan ka ng mga Saksi ni Jehova na matuto tungkol sa Kaharian ng Diyos at malaman kung papaanong makikinabang ka kahit na ngayon.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share