Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w93 6/15 p. 3-4
  • Bakit Dapat Subukin ang Pagiging Totoo ng Bibliya?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Bakit Dapat Subukin ang Pagiging Totoo ng Bibliya?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
  • Kaparehong Materyal
  • Tanging Bukál ng Mataas na Karunungan
    Ano ang Layunin ng Buhay?—Paano Mo Masusumpungan?
  • 4. Tumpak Ayon sa Siyensiya
    Gumising!—2007
  • Kaayon ba ng Siyensiya ang Bibliya?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Katumpakan ng Pananalita
    Makinabang sa Edukasyon Mula sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
w93 6/15 p. 3-4

Bakit Dapat Subukin ang Pagiging Totoo ng Bibliya?

Ano ang pangmalas mo sa Bibliya? Ang ilan ay matibay na naniniwalang ito ay pagsisiwalat ng Diyos sa tao. Ang iba naman ay naniniwala na ito’y isa lamang karaniwang aklat. At ang iba pa ay hindi makapagpasiya. Kung ikaw ay may anumang alinlangan tungkol sa pinagmulan ng Bibliya, may mahalagang mga dahilan kung bakit dapat mong suriin ito at lutasin ang suliranin.

MAGPAHANGGANG ika-18 siglo, ang Bibliya ay malaganap na iginagalang bilang ang Salita ng Diyos sa mga bansa ng Sangkakristiyanuhan. Subalit magbuhat noong ika-19 na siglo patuloy, dumaraming mga edukador, siyentipiko, at maging mga teologo at mga lider ng iglesya ang nagsimulang hayagang magpahayag ng pag-aalinlangan tungkol sa pagiging totoo ng Bibliya.

Bilang resulta ay naging lubhang malaganap ang pamimintas sa Bibliya anupat marami ang humahatol nang hindi man lamang alam ang nilalaman ng Bibliya. Kahalili ng Bibliya, marami sa mga nasa Sangkakristiyanuhan ang ngayo’y sa mga pilosopiya ng mga tao naniniwala. Gayunman, ang modernong pilosopiya ay hindi nakalikha ng isang daigdig na ligtas o lalong maligaya. Iyan ay isang mabuting dahilan upang suriin ang Bibliya at tingnan kung ang patnubay nito ay umaakay sa kaligayahan at tagumpay.

Ang isa pang dahilan sa pagsubok sa pagiging totoo ng Bibliya ay ang kahanga-hangang pag-asang ibinibigay nito para sa sangkatauhan. Halimbawa, ang Awit 37:29 ay nagsasabi: “Ang matuwid ang magsisipagmana ng lupa, at sila’y maninirahan dito magpakailanman.” (Apocalipsis 21:3-5) Ano ba ang epekto sa iyo ng gayong mga pangako? Tunay na ang mga ito ay sapat na mga dahilan upang suriin ang Bibliya at alamin kung ito ay mapagkakatiwalaan.

Ang magasing ito sa tuwina ay nagtataguyod ng pagiging totoo ng Bibliya at kalimitan ay nagbibigay ng ebidensiya ng pagiging totoo nito. May ilang pitak na kung saan masusubok ang pagiging totoo ng Bibliya. Ang iba’t ibang labas ng Ang Bantayan ay tutulong sa iyo na sagutin ang mga tanong na ito: Ang kilalang mga pangyayari ba ng sinaunang kasaysayan ay kasuwato ng sinasabi ng Bibliya? Ang mga hula ba nito ay totoo? Ang payo ba nito ay praktikal, o napatunayan ba ng modernong mga edukador at mga pilosopo na ang Bibliya ay lipas na?

Ang heograpya ay isa pang pitak na kung saan maaari mong subukin ang pagiging totoo ng sinasabi ng Bibliya. Ang mga alamat-pagano ay kadalasang salungat sa ebidensiyang batay sa heograpya. Halimbawa, maraming sinaunang bayan ang may mga kuwento ng paglalakbay sa umano’y daigdig ng mga patay. Tungkol sa sinaunang mga Griego, ang aklat na A Guide to the Gods ay nagpapaliwanag: “Ang lupa ay nakita bilang isang patag na lugar na napaliligiran ng isang malawak na katubigang tinatawag na Dagat. Sa kabila nito ay naroon ang Afterworld, isang malungkot na lupaing tinutubuan ng mga halamang madidilim ang kulay at di-namumunga.” Nang ito’y mapatunayan na isang alamat, sa ibang lugar inilipat ng mga pilosopong pagano ang kanilang tinatawag na afterworld. “Isang angkop na dako ang nakita, sa ilalim ng lupa na konektado sa daigdig na ito sa pamamagitan ng iba’t ibang malalaking yungib,” ang paliwanag ng awtor na si Richard Carlyon. Sa ngayon, batid natin na ito ay isa ring alamat. Wala ng gayong dako o daanan sa ilalim ng lupa.

Di-tulad ng mga alamat ng sinaunang mga bayan, ang Bibliya ay walang maling paniwala na patag ang lupa. Sa halip, sinasabi nito ang siyentipikong katotohanan na ang lupa ay bilog at nakabitin sa wala. (Job 26:7; Isaias 40:22) Kumusta naman ang ibang mga paglalarawan ng heograpya na binanggit sa Bibliya? Ang mga ito ba ay alamat din, o posible ba na gunitain nang may kawastuan ang mga pangyayari sa Bibliya pagka dumadalaw sa kasalukuyang Ehipto, kasali na ang Sinai Peninsula, at ang modernong-panahong Israel?

[Larawan sa pahina 3]

“Mayroong Isa na tumatahan sa ibabaw ng bilog ng lupa.”​—Isaias 40:22

“Kaniyang . . . ibinibitin ang lupa sa wala.”​—Job 26:7

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share