Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w94 3/15 p. 32
  • Isang Gabing Dapat Alalahanin

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Isang Gabing Dapat Alalahanin
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
w94 3/15 p. 32

Isang Gabing Dapat Alalahanin

ISANG di-malilimutang araw mga 3,500 taon na ang lumipas, nag-utos ang Diyos na Jehova sa mga Israelitang naging alipin sa Ehipto na pumatay ng isang kordero at iwisik ang dugo niyaon sa mga poste at sa gawing itaas ng mga pintuan ng kani-kanilang bahay. Nang mismong gabing iyon, nilampasan ng anghel ng Diyos ang mga bahay na minarkahan sa ganitong paraan ngunit pinatay ang mga panganay na anak na lalaki sa mga tahanan ng lahat ng Ehipsiyo. Pagkatapos ay pinalaya ang mga Israelita. Magmula noon, sa anibersaryo ng pangyayaring iyan, ipinagdiriwang ng mga Judio ang Paskuwa.

Karaka-raka pagkatapos na ipagdiwang ni Jesu-Kristo ang kaniyang huling Paskuwa kasama ng kaniyang mga apostol, itinatag niya ang isang hapunan na magsisilbing alaala ng kaniyang sakripisyong kamatayan. Nagpasa siya ng tinapay sa kaniyang tapat na mga apostol at nagsabi: “Kumuha kayo, kainin ninyo. Ito ay nangangahulugan ng aking katawan.” Pagkatapos ay binigyan niya sila ng isang kopa ng alak at sinabi: “Uminom kayo mula rito, kayong lahat; sapagkat ito ay nangangahulugan ng aking ‘dugo ng tipan,’ na siyang ibubuhos alang-alang sa marami para sa kapatawaran ng mga kasalanan.” Sinabi rin ni Jesus: “Patuloy ninyong gawin ito sa pag-alaala sa akin.” (Mateo 26:26-28; Lucas 22:19, 20) Kaya iniutos ni Jesus sa kaniyang mga tagasunod na ganapin ang pag-alaalang ito ng kaniyang kamatayan.

Malugod na inaanyayahan kayo ng mga Saksi ni Jehova na makisama sa kanila sa pagganap ng Memoryal na ito ng kamatayan ni Jesus. Kayo ay maaaring dumalo sa Kingdom Hall na pinakamalapit sa inyong tahanan. Makipag-alam sa mga Saksi sa inyong pamayanan para sa eksaktong oras at lugar. Ang petsa ng pagdiriwang sa 1994 ay Sabado, Marso 26, ang tinapay at ang alak ay isinisilbi paglubog ng araw.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share