Ano ang Kinabukasan Para sa Ating mga Kabataan?
ANG bantang nuklear—maging buhat sa mga bomba ng mga terorista o buhat sa mga aksidente sa mga plantang nuklear—ay nakaabang sa ating lahat. Maaaring ikaw ay lalo nang nababahala tungkol sa mga kabataan, kasali na ang iyong sariling mga anak o mga apo. Nakalulungkot na malamang isang bantang nuklear ang nagsasapanganib sa kalusugan at kinabukasan ng sinumang bata.
Subalit huwag masiraan ng loob. May dahilan upang ikaw ay umasa ng isang mabuting hinaharap para sa mga kabataan. Ang saligan ng pag-asa ay nakasentro, hindi sa pagsisikap ng tao na ipagsanggalang ang ating mga kabataan, kundi sa isang hinaharap na nakasalalay sa mga kamay ng ating Maylikha.
Nang ang Anak ng Diyos, si Jesus, ay magturo sa Gitnang Silangan, nagpamalas siya ng pagmamalasakit ukol sa mga kabataan. (Marcos 9:36, 37, 42; 10:13-16) Ipinakikita ng Bibliya na ang gayunding pagmamalasakit ay ipamamalas kapag lubusan nang wawakasan ng Diyos ang bantang nuklear at itatatag ang isang pangglobong paraiso. Tatamasahin iyan ng ating mga kabataan, at maging ikaw man.
Kung nais mo ng higit pang impormasyon o ibig mong may isang dumalaw sa iyo upang magdaos ng isang walang bayad na pantahanang pakikipag-aral sa iyo sa Bibliya, pakisuyong sumulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1099 Manila, o sa angkop na direksiyong nakatala sa pahina 2.