“Kagilagilalas ang pagkagawa sa akin”
“SAAN ako nanggaling?” Ito ay manakanakang itinatanong ng karamihan ng mga bata. Kapag lumalaki ang mga bata, malimit na nagiging mas malalim ang kanilang tanong: “Saan nanggaling ang buhay?” Ang tanong na ito ay tinalakay na sa loob ng libu-libong taon, at sa kasalukuyan maraming siyentipiko ang may pananaw na ang ebolusyon ang pinakamakatuwirang sagot sa palaisipan ng pinagmulan ng buhay. Sa simpleng pananalita, nagkataon lamang ang paglitaw ng buhay ayon sa paliwanag ng ebolusyonista.
Mga 3,000 taon na ngayon ang lumipas, sumulat si Haring David: “Kagilagilalas ang pagkagawa sa akin sa kakila-kilabot na paraan.” (Awit 139:14) Habang higit ang natututuhan natin tungkol sa buhay, lalong nagiging totoo para sa atin ang mga salitang iyon. Oo, ganito ang isinulat ng pisikong si Fred Hoyle: “Habang higit at higit ang natutuklasan ng mga biokimiko tungkol sa pambihirang pagkamasalimuot ng buhay, maliwanag na ang mga pagkakataon na iyon ay lumitaw nang di-sinasadya ay napakaliit anupat ang mga iyon ay maaaring lubusang pawalang-saysay. Hindi maaaring nagkataon lamang ang paglitaw ng buhay.”
Kaya ano ba ang pinagmulan ng buhay? Ang dalawang pambungad na artikulo ng magasing ito ang tumatalakay sa tanong na iyan. Kung nais mong magkaroon ng higit pang impormasyon, pakisuyong sumulat sa Watchtower, P.O. Box 2044, 1099 Manila, o sa angkop na direksiyong nakatala sa pahina 2.