Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w94 11/15 p. 32
  • “Ganiyan ang Dapat Igawi ng Tunay na mga Kristiyano”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Ganiyan ang Dapat Igawi ng Tunay na mga Kristiyano”
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
w94 11/15 p. 32

“Ganiyan ang Dapat Igawi ng Tunay na mga Kristiyano”

SA KANIYANG aklat na Arbeit macht tot​—Eine Jugend in Auschwitz (Pinapatay Ka ng Trabaho​—Kabataan sa Auschwitz) noong 1990, isinulat ng isang nakaligtas sa Auschwitz na si Tibor Wohl ang isang pag-uusap na narinig niya sa pagitan ng dalawang kapuwa bilanggo. Ang isa, na taga-Austria, ay nag-angking isang “di-sumasampalataya.” Gayunman, pinuri niya ang mga bilanggo na may insigniyang purple triangle​—ang mga Estudyante ng Bibliya, gaya ng tawag sa mga Saksi ni Jehova sa kampo.

“Hindi sila nakikipagdigma,” ang sabi ng taga-Austria sa kaniyang kasama. “Nanaisin pa nilang mamatay kaysa pumatay ng sinuman. Sa palagay ko ganiyan ang dapat igawi ng tunay na mga Kristiyano. Gusto kong ikuwento sa iyo ang isang magandang karanasan ko sa kanila. Magkakasama kami kapuwa ng mga Judio at mga Estudyante ng Bibliya sa isang gusali sa kampo sa Stutthof. Ang mga Estudyante ng Bibliya nang panahong iyon ay sapilitang pinagtatrabaho, doon sa labas na sobra ang lamig. Hindi namin maintindihan kung papaano sila nakatagal. Sinabi nila na binigyan sila ni Jehova ng lakas. Kailangang-kailangan nila ang kanilang tinapay, yamang sila’y lubhang nagugutom. Pero ano ang ginawa nila? Inipon nila ang lahat ng kanilang tinapay, kinuha ang kalahati niyaon at ibinigay ang kalahati sa kanilang mga kapatid, ang kanilang espirituwal na mga kapatid, na dumating na gutóm na gutóm buhat sa ibang mga kampo. At kanilang sinalubong sila at hinalikan sila. Bago sila kumain, nanalangin muna sila, at pagkatapos ay mababakas ang kaligayahan sa kanilang mga mukha. Ayon sa kanila ay wala nang sinuman ang nagugutom pa. Kaya, alam mo, naisip ko, ‘Ang mga ito ay tunay na mga Kristiyano.’ Ganiyan ang palagi kong naiisip tungkol sa kanila. Anong inam nga kung sasalubungin nang gayon ang nagugutom na mga kasama dito sa Auschwitz!”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share