Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w95 3/1 p. 32
  • “Kung Paano ang mga Kaarawan ng Punungkahoy”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Kung Paano ang mga Kaarawan ng Punungkahoy”
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1995
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1995
w95 3/1 p. 32

“Kung Paano ang mga Kaarawan ng Punungkahoy”

MAHIGIT na tatlong libong taon na ang lumipas, sumulat si Moises: “Ang mga araw ng aming mga taon ay pitumpung taon; at kung dahilan sa natatanging kalakasan ay umaabot ng walumpung taon, gayunma’y laging may kabagabagan at nakasasakit na mga bagay.”​—Awit 90:10.

Sa kabila ng mga pagsulong sa medisina, ang haba ng buhay ng tao ay kagaya pa rin noong kaarawan ni Moises. Gayunpaman, hindi laging mahahatulan ang mga tao ng gayong panandaliang pag-iral. Sa aklat ng Isaias sa Bibliya, sinabi ng Diyos: “Kung paano ang mga kaarawan ng punungkahoy ay magiging gayon ang mga kaarawan ng aking bayan; at ang aking pinili ay makikinabang nang lubusan sa gawa ng kanilang sariling mga kamay.”​—Isaias 65:22.

Ang puno ng olibo ay isa sa may pinakamahahabang buhay na mga punungkahoy sa mga lupain sa Bibliya. Ang punungkahoy na nakalarawan dito ay isa sa sanlibong-taóng-gulang na mga puno ng olibo na napakarami pa rin ngayon sa Galilea. Kailan kaya mabubuhay nang gayong katagal ang mga tao? Ipinaliliwanag ng hula ring ito na magaganap iyon kapag nilikha na ng Diyos ang “mga bagong langit at isang bagong lupa.”​—Isaias 65:17.

Inihuhula rin ng aklat ng Apocalipsis ang pagtatatag ng “isang bagong langit at isang bagong lupa”​—isang bagong makalangit na pamahalaan at isang bagong lipunan ng tao na sa panahong iyon ay “papahirin [ng Diyos] ang bawat luha sa kanilang mga mata, at hindi na magkakaroon ng kamatayan, ni ng pagdadalamhati o ng paghiyaw o ng kirot pa man.”​—Apocalipsis 21:1, 4.

Ang pangakong ito ng Diyos ay malapit nang matupad. Kung magkagayon, kahit ang mga kaarawan ng isang puno ng olibo ay magiging waring kasinghaba ng 24 na oras lamang. At magiging sapat-sapat ang ating panahon upang tamasahing lubusan ang gawa ng ating mga kamay.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share