Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w95 4/1 p. 32
  • Kayo’y Malugod na Inaanyayahan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kayo’y Malugod na Inaanyayahan
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1995
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1995
w95 4/1 p. 32

Kayo’y Malugod na Inaanyayahan

Ang kamatayan ng taong si Jesu-Kristo mahigit na 1,900 taon na ang lumipas ay ang pinakamahalagang pangyayari sa kasaysayan ng tao. Ito ang nagbukas ng pag-asang magtamo ng buhay na walang-hanggan sa isang paraisong lupa. Sa isang simpleng seremonya, gumamit si Jesus ng tinapay na walang lebadura at alak bilang mga sagisag ng kaniyang maibiging hain bilang tao. Pagkatapos ay sinabi niya sa kaniyang mga alagad: “Patuloy ninyong gawin ito sa pag-alaala sa akin.” (Lucas 22:19) Aalalahanin mo ba ang mahalagang pangyayaring ito? Ang mga Saksi ni Jehova ay buong-init na nag-aanyaya sa iyo na makisama sa kanila sa pagganap sa Memoryal na pagdiriwang na ito. Ito’y gaganapin pagkalubog ng araw sa petsa na katumbas ng Nisan 14 sa kalendaryong lunar ng Bibliya. Ikaw ay maaaring dumalo sa Kingdom Hall na pinakamalapit sa iyong tahanan. Makipag-alam sa mga Saksi ni Jehova sa inyong lugar para sa eksaktong oras at dako. Ang petsa para sa pagdiriwang sa 1995 ay sa Biyernes, Abril 14.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share