Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w95 9/15 p. 31
  • Isa Bang Walang-Kabuluhang Ritwal?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Isa Bang Walang-Kabuluhang Ritwal?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1995
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1995
w95 9/15 p. 31

Isa Bang Walang-Kabuluhang Ritwal?

ANG sakramento ng kumpisal ay ginaganap na ng mga Katoliko sa loob ng mga siglo. Gayunman, para sa marami iyon ay isang walang-saysay na rutina. Sa pagmumunimuni tungkol sa kaniyang kabataan, isang prinsipal sa haiskul na nagngangalang Bob ang nagsabi: “Ako’y isang tin-edyer noon, at noon pa man ay hindi ko na ito dinidibdib.” Bakit hindi? Sa ganang kaniya, ang kumpisal ay naging isang walang-kabuluhang ritwal. Siya’y nagpaliwanag: “Ang kumpisal ay mistulang pagdadala ng lahat ng iyong maleta na punô ng kasalanan sa taong nangangasiwa niyaon sa adwana sa paliparan. Tinatanong ka niya tungkol sa iyong mga kasalanan at saka ka lamang palalampasin pagkatapos magbayad para sa mga bagay na de luho na binili mo sa ibang bansa.”

Sa katulad na paraan, si Frank Wessling, nang sumusulat sa U.S. Catholic, ay naglarawan sa pangungumpisal bilang “isang napakasimpleng baytang-baytang ng giya, mula sa pagbabawas ng karaniwang mga kasalanan sa pamamagitan ng sauladong panalangin ng pagsisisi hanggang sa ritwal na akto ng bahagyang pagpapakasakit.” Ang konklusyon ni Wessling? “Ako’y kumbinsido na ang Kumpisal ay mabuti para sa kaluluwa,” aniya. “Ngunit ang paraan ng pagsasagawa nito ng mga Katoliko ay isang suliranin.”

Inihaharap ng Bibliya ang kumpisal sa isang lubusang naiibang paraan. Ang pinakamahalaga ay ang pagtatapat sa Diyos. (Awit 32:1-5) At ang Kristiyanong alagad na si Santiago ay sumulat: “Mayroon bang sinumang may-sakit sa inyo? Tawagin niya ang mga nakatatandang lalaki ng kongregasyon sa kaniya, at ipanalangin nila siya, na nilalangisan siya ng langis sa pangalan ni Jehova. Kung gayon hayagang ipagtapat ang inyong mga kasalanan sa isa’t isa at ipanalangin ang isa’t isa, upang kayo ay mapagaling.”​—Santiago 5:14, 16.

Ang isang Kristiyanong nabibigatan sa kasalanan ay makadudulog sa mga tagapangasiwa ng kongregasyon, na makapagbibigay ng personal at praktikal na payo mula sa Bibliya upang matulungan ang nagkasala na tumalikod sa kaniyang makasalanang landasin. Ang mga tagapangasiwa ay makapagbibigay ng angkop na pampatibay-loob samantalang kanilang sinusubaybayan ang pagsulong ng maysakit sa espirituwal. Kabaligtaran nga ng pormalismong ritwal ng pangungumpisal sa mga simbahan sa ngayon! Samantalang pinatitibay ng personal na pagtulong ng matatanda sa kongregasyon, ang nagsisising mga nagkasala ay makapagtatamo ng kaginhawahan na gaya ng nadama ni David, tulad ng ipinahayag niya sa kaniyang isang awit: “Ang aking kasalanan ay sa wakas ipinagtapat ko sa iyo, at ang aking kasamaan ay hindi ko ikinubli. Aking sinabi: ‘Aking ipagtatapat kay Jehova ang aking mga pagkakasala.’ At iyong ipinatawad ang kasamaan ng aking mga kasalanan.”​—Awit 32:5.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share