Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w95 12/15 p. 32
  • Napagpasiyahan Na ang Kaso Laban sa mga Saksi ni Jehova

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Napagpasiyahan Na ang Kaso Laban sa mga Saksi ni Jehova
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1995
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1995
w95 12/15 p. 32

Napagpasiyahan Na ang Kaso Laban sa mga Saksi ni Jehova

PAGKATAPOS ng paulit-ulit na pagpapaliban, ang Hukumang Dulugan sa Tesalonica, Gresya, ay nagpulong sa wakas noong Hunyo 8, 1995, upang dinggin ang kaso laban sa apat na babaing Saksi ni Jehova. Ano ang kaso laban sa kanila? Pangungumberte, na ibinabawal ng batas ng Gresya sa loob ng mahigit na limang dekada.

Gayunman, nang panahong magpulong ang hukuman, ang pangunahing testigo para sa tagausig​—ang pari na nagpasimuno sa kaso laban sa apat na babae​—ay pumanaw na. Isa pang pari ang sumubok na tumestigo bilang kahalili niya, ngunit hindi tinanggap ng hukuman ang kaniyang kahilingan. Kaya hindi kataka-taka na ang pagdinig ay tumagal nang 15 minuto lamang! Sinuri ng hukom ang ibang testigo ng tagausig at nasumpungang ang mga ipinagsakdal ay hindi nagkasala ng ipinagbabawal na pangungumberte. Ang desisyong ito ay nagpapakita na ang mga hukumang Griego ay handang gumalang at sumunod sa pasiya na iginawad noong 1993 ng Europeong Hukuman ng mga Karapatang Pantao.

Lalong nakagugulat na makitang ang tatlong babaing tumestigo sa panig ng tagausig ay lumapit sa mga Saksing isinakdal, anupat buong-pusong bumati sa kanila. “Kami’y humihingi ng paumanhin sa lahat ng nangyari,” sabi ng isa sa kanila. Isinusog pa niya: “Hindi namin kasalanan. Pinilit kami ng pari na usigin kayo. Ngayong patay na siya, ibig naming pumaroon kayo sa aming nayon at sa aming mga tahanan.”

Sa gayon, minsan pang pinagkalooban ni Jehova ng tagumpay ang kaniyang bayan sa Gresya. Ang mga batas tungkol sa pangungumberte ay pinagtibay sa Gresya noong 1938 at 1939. Noong 1993 nagpasiya ang Europeong Hukuman ng mga Karapatang Pantao na mali ang paggamit sa batas na ito upang pag-usigin ang mga Saksi ni Jehova.​—Tingnan Ang Bantayan, Setyembre 1, 1993, pahina 27-31.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share