Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w96 1/15 p. 32
  • Sambahin si Jehova Nang May Malinis na mga Kamay

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Sambahin si Jehova Nang May Malinis na mga Kamay
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1996
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1996
w96 1/15 p. 32

Sambahin si Jehova Nang May Malinis na mga Kamay

SA ILALIM ng pagkasi, ang salmista ay umawit: “Aking huhugasan ang aking mga kamay sa kawalang-malay mismo, at ako ay lalakad sa palibot ng iyong altar, O Jehova.”​—Awit 26:6.

Nang kathain ang mga salitang ito, marahil ay tinutukoy ni David ang kaugalian ng mga Levitang saserdote ng Israel na pag-akyat sa rampa ng altar at pagkatapos ay ilagay ang kanilang mga hain sa ibabaw ng apoy. Subalit bago isagawa ang pagsambang ito, kahilingan sa mga saserdote na maghugas muna ng kanilang mga kamay at mga paa. Hindi ito isang maliit na bagay. Ang hindi paggawa sa panimulang hakbang na ito ay maaaring mangahulugan ng buhay ng saserdote!​—Exodo 30:18-21.

Ang makasagisag na paghuhugas ay nagbubunga ng kalinisan sa espirituwal at moral. (Isaias 1:16; Efeso 5:26) Nais ni Jehova na tayo ay ‘lumakad sa palibot ng kaniyang altar’ ngayon sa pamamagitan ng paglilingkod sa kaniya. Subalit hinihiling niya na gawin natin ito nang may malinis na mga kamay​—gaya ng pagkasabi ni David, mga kamay na nahugasan “sa kawalang-malay mismo.” Ito ay hindi walang-kabuluhang kahilingan, sapagkat yaong nagsisipagsanay ng kawalang-kalinisan ay hindi magmamana ng Kaharian ng Diyos. (Galacia 5:19-21) Ang pamumuhay na may maka-Diyos na mga gawa ay hindi nagbibigay sa isa ng dahilan para gumawi nang mahalay. Kaya naman isinulat ni apostol Pablo: “Binubugbog ko ang aking katawan at ginagawa itong alipin, upang, pagkapangaral ko sa iba, ako mismo ay huwag maging di-sinang-ayunan sa paanuman.”​—1 Corinto 9:27.

Yaong naghahangad ng pagsang-ayon ng Diyos at ng tunay na kaligayahan ay kailangang maglingkod kay Jehova nang may malinis na mga kamay. Gaya ni David, sila’y lumalakad nang “may katapatan ng puso at may katuwiran.”​—1 Hari 9:4.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share