Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w96 4/1 p. 31
  • Pinakilos Siya ng Pananampalataya

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pinakilos Siya ng Pananampalataya
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1996
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1996
w96 4/1 p. 31

Pinakilos Siya ng Pananampalataya

NANG atasan ni Jehova si Moises na akayin ang bansang Israel upang makalaya sa pagkaalipin sa mga Ehipsiyo, sa simula ay nagsumamo si Moises, na sinasabi: “Ipagpaumanhin mo, Jehova, ngunit ako’y hindi isang matatas na tagapagsalita, maging noong nakaraan ni bago pa nito ni sapol nang kausapin mo ang iyong lingkod, sapagkat ako’y mabagal sa pagsasalita.” (Exodo 4:10) Oo, hindi nadama ni Moises na siya ay kuwalipikado para sa gayong mabigat na atas.

Gayundin sa ngayon, marami sa mga lingkod ni Jehova ang nakadarama kung minsan na hindi nila kayang gampanan ang mga pananagutan na iniatas sa kanila. Halimbawa, isang Kristiyanong tagapangasiwa na nagngangalang Theodore ang nagsabi: “Sa lahat ng ipinagagawa sa akin ni Jehova, ang paglilingkuran sa larangan ang pinakamahirap. Nang ako’y kabataan pa, agad akong lalapit sa pintuan, kunwari’y titimbre sa pinto, at tahimik na aalis, anupat umaasa na walang makaririnig o makakakita sa akin. Nang ako’y nagka-edad na, hindi ko na ginawa ang ganiyan, subalit naasiwa ako kapag iniisip kong magbahay-bahay. Maging sa ngayon, naasiwa ako bago magtungo sa ministeryo, gayunpaman ay tumutuloy ako.”

Ano ang nagpangyari kay Moises at sa modernong panahong mga Saksi na gaya ni Theodore na makapanagumpay sa gayong mga pangamba? Ang Bibliya ay sumasagot: “Sa pananampalataya ay iniwan niya [ni Moises] ang Ehipto, . . . sapagkat nagpatuloy siyang matatag na gaya ng nakakakita sa Isa na di-nakikita.”​—Hebreo 11:27.

Tunay na sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jehova, napanagumpayan ni Moises ang kaniyang nadaramang kawalang-kakayahan at nagampanan ang iniatas sa kaniya na pananagutan bilang hukom, propeta, pambansang lider, tagapamagitan ng tipang Batas, komander, istoryador, at manunulat ng Bibliya.

Gayundin naman, kapag tayo ay may pananampalataya na gaya ni Moises, lalakad tayo na para bang ‘nakikita ang Isa na di-nakikita.’ Ang gayong pananampalataya ay nagdudulot ng lakas ng loob, anupat nagagawa nating balikatin ang ating mga Kristiyanong pananagutan.​—kahit waring hindi natin kaya.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share