Makaaalpas Pa Kaya Tayo sa mga Tanawing Gaya Nito?
SAANMAN tayo bumaling sa mga araw na ito, makikita natin ang malinaw na larawan ng tensiyon, alitan, at digmaan. Subalit hindi layunin ng magasing ito na dagdagan pa ang lahat ng masamang balita na alam na ninyo. Sa halip, ipakikilala sa inyo ng pantanging isyung ito ang dalawa man lamang sa nakaaaliw na katotohanan. Una, na ang sinaunang mga hula sa Bibliya ay aktuwal na bumanggit sa marami sa mga nakagigitlang masasamang balita sa ating panahon; ikalawa, na ang mismong aklat na ito ng hula ay tumutukoy sa isang araw na ang gayong mga tanawin na gaya ng inilarawan dito ay magiging bahagi na ng nakalipas. Wala nang digmaan. Wala nang pambobomba, mga nakakubling mámamáril, mga mina sa lupa, o terorismo. Wala nang nagdadalamhating mga ulila o mga nagsilikas na walang tahanan. Isang daigdig na may tunay, nakagiginhawang kapayapaan. Gusto mo bang makita ang gayong panahon? Hinihimok ka naming isaalang-alang ang sinasabi ng Bibliya. Maaari kang makasumpong ng higit na kaaliwan doon kaysa sa maaaring inakala mo.