Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w97 7/1 p. 32
  • Kapag Dumalaw ang mga Saksi ni Jehova

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kapag Dumalaw ang mga Saksi ni Jehova
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
w97 7/1 p. 32

Kapag Dumalaw ang mga Saksi ni Jehova

Ano ang dapat gawin ng mga Katoliko kapag dumalaw sa kanilang tahanan ang isa sa mga Saksi ni Jehova? Ganito ang sabi ng isang kamakailang publikasyon na inihanda ng National Catechistic Bureau of the Italian Bishops’ Conference: “Ang pagtangging makipag-usap, sa mabait ngunit matatag na paraan, sa kasong ito ay hindi naman kawalang-kabaitan.”

Hindi lahat ng Katoliko ay sumasang-ayon, gaya ng ipinakita ng isang liham na ipinadala sa pang-araw-araw na pahayagang Gazzetta del Mezzogiorno ng isang lalaking nakatira sa Foggia, Italya:

“Hindi ako isang Saksi ni Jehova. Katoliko ako. Ngunit nagtataka ako sa ilang alituntunin na ipinatutupad ng simbahan sa mga miyembro, anupat sinasabihan sila na maglagay ng paskil sa kanilang mga pintuan na nagtataboy sa mga Saksi ni Jehova. Tutal, ang mga taong ito ay nagdadala lamang ng Salita ng Diyos, at tinutulungan nila ang iba na magkaroon ng mas malalim na kaalaman sa Bibliya. Naipapagunita sa akin ang panahon nang lumaganap sa Italya ang kolera at ipinabatid sa atin kung paano maiiwasan ang impeksiyon.

“Sa palagay ko, ipinakikita nito na ang simbahan ay nagdidikta ng sarili nitong mga alituntunin nang hindi isinasaalang-alang ang kagustuhan ng mga miyembro. Ngunit mga ilang taon na ngayon, nakita ko na maging ang mga Katoliko ay nagbabahay-bahay, anupat dumadalaw rin sa mga tahanan ng mga Saksi ni Jehova; at pinatutuloy sila, kinakausap sila, nang hindi tinatanggihan ang sinuman.”

Hindi pinipilit ng mga Saksi ni Jehova na tanggapin ng mga tao ang kanilang mensahe. Sa halip, sinisikap nilang ibahagi sa iba ang pag-asa na ipinaaabot ng Salita ng Diyos na kanila mismong nasumpungang nakaaaliw sa maligalig na panahong ito. Sa pagbabahay-bahay, gayundin sa pakikipag-usap sa mga natatagpuan nila sa lansangan, ibinabahagi ng mga Saksi ni Jehova ang mabuting balita ng Kaharian ng Diyos sa mga handang makinig.​—Mateo 24:14; Gawa 5:42; 17:17.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share