Aklat, Aklat, Aklat!
“Tungkol sa paggawa ng maraming aklat ay walang wakas,” ang isinulat ng pantas na si Haring Solomon noon. (Eclesiastes 12:12) Noong 1995 ay halos isang bagong aklat ang inilathala sa Britanya para sa bawat 580 ng populasyon, anupat ang bansang iyan ang nangunguna sa daigdig sa paglalathala ng mga bagong aklat. Ang Tsina, na bansang may pinakamalaking populasyon, ang siyang pumapangalawa na may 92,972 edisyon kung ihahambing sa 95,015 ng Britanya. Sumunod ang Alemanya (67,206 na aklat), at pagkatapos ay ang Estados Unidos (49,276), na sinundan naman ng Pransiya (41,234). “Ang malaking bahagi ng kalamangan ng Britanya sa buong daigdig ay dahil lamang sa wikang Ingles,” sabi ng pahayagang The Daily Telegraph ng London.
Ipinakikita ng mga ulat na ilang taon nang bumababa ang pagbebenta ng aklat, at 80 porsiyento na lamang ngayon ng mga nasa hustong gulang sa Britanya ang bumibili ng isa o higit pang aklat sa isang taon. Ngunit binabasa ba ng mga tao ang lahat ng aklat na binibili nila?
Ang isang aklat na patuloy na malawakang ipinamamahagi at binabasa ay ang Bibliya, na ang ilang bahagi o ang kabuuan ay makukuha na ngayon sa 2,120 wika. Kung wala ka pang sariling kopya, makipag-alam sa tanggapan ng Samahang Watch Tower na pinakamalapit sa iyo upang makakuha ng isang kopya. Kung mayroon ka nang Bibliya, kunin mo ito at tingnan ang maka-Kasulatang mga pagtukoy na lumalabas sa mga artikulo ng magasing ito. Sa paggawa nito, matutuklasan mo ang nagbibigay-buhay na kaalaman sa Bibliya.