Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w98 5/15 p. 32
  • Nagbunga ng Papuri ang Mainam na Paggawi

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Nagbunga ng Papuri ang Mainam na Paggawi
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
w98 5/15 p. 32

Nagbunga ng Papuri ang Mainam na Paggawi

PINURI ng pahayagan sa Italya na La Gazzetta del Mezzogiorno ang mga Saksi ni Jehova dahil sa paglalathala ng artikulong “Matera​—Lunsod ng mga Naiibang Tirahan sa Kuweba.” Ang artikulong ito ay lumabas sa Hulyo 8, 1997, isyu ng magasing Gumising!, na may malawak na sirkulasyon sa maraming wika. Ang Gumising! ay isinasalin ngayon sa 81 wika at may sirkulasyon na mahigit sa 19 na milyong kopya sa buong daigdig. Nagkomento ang pahayagan na ang Gumising! ay nakapagtala ng rekord sa tag-araw na ito “pagdating sa mga kampanya sa pag-aanunsiyo upang itaguyod ang makasaysayan at makasining na pamana ng lunsod [ng Matera].”

Pinuri ng pahayagan ang mga Saksi may kinalaman sa “Pananampalataya sa Salita ng Diyos” na Pandistritong Kombensiyon na ginanap sa Matera noong 1997. Sinabi ng artikulo na nagawa ng mga Saksi “na papuntahin ang 4,000 katao sa XXI Settembre Stadium [ng lunsod] sa kalagitnaan ng tag-araw at sa ilalim ng nakapapasong sikat ng araw; kanilang inasikaso ang paglilinis, muling pagpipinta, at kinakailangang pag-aayos ng sports center na ito (lalo na ang mga palikuran) nang walang bayad, anupat sila mismo ang bumili ng kinakailangang materyales.”

Sinisikap ng mga Saksi ni Jehova na maging mabubuting kapuwa. (Mateo 22:37-​39) Sinusunod din nila ang maka-Kasulatang paalaala: “Panatilihing mainam ang inyong paggawi sa gitna ng mga bansa, upang . . . luwalhatiin nila ang Diyos sa araw ng kaniyang pagsisiyasat bilang resulta ng inyong maiinam na gawa na dito sila ay mga saksing nakakita.”​—1 Pedro 2:12.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share