Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w98 8/15 p. 30
  • Natatandaan Mo Ba?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Natatandaan Mo Ba?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
  • Kaparehong Materyal
  • Araw ng Paghuhukom—Ano Ito?
    Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
  • Ang Araw ng Paghuhukom ng Diyos—Ang Maligayang Kalalabasan Nito!
    Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!
  • “Ang Aking Pinili, na Sinang-ayunan ng Aking Kaluluwa!”
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan II
  • Tularan si Jehova—Gumawa Nang may Katarungan at Katuwiran
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
w98 8/15 p. 30

Natatandaan Mo Ba?

Maingat mo bang pinag-isipan ang mga kamakailang labas ng Ang Bantayan? Kung gayon, masusumpungan mong kawili-wiling alalahanin ang mga sumusunod:

◻ Bakit hindi makatuwiran ang doktrina ng predestinasyon?

Kung patiunang alam at itinalaga ng Diyos ang pagkahulog ni Adan sa kasalanan, kung gayo’y naging awtor ng kasalanan si Jehova nang gawin niya ang tao at siya ang may pananagutan sa lahat ng kabalakyutan at paghihirap ng mga tao. Hindi ito maaaring maging kasuwato ng katotohanan na si Jehova ay isang Diyos ng pag-ibig na napopoot sa kabalakyutan. (Awit 33:5; Kawikaan 15:9; 1 Juan 4:8)​—4/15, pahina 7, 8.

◻ Bilang katuparan ng Isaias 2:2-4, ano ang ginagawa ng mga tao mula sa maraming bansa?

Habang sila ay dumaragsa sa bahay ni Jehova ukol sa pagsamba, sila rin ay huminto na sa ‘pag-aaral ng pakikidigma’ sapagkat naglagak sila ng tiwala sa proteksiyon ng makalangit na mga hukbo ng Diyos, na nakahandang pumuksa sa lahat ng kaaway ng kapayapaan.​—4/15, pahina 30.

◻ Sino ang mga makapangyarihan ng Diyos na tinutukoy sa Joel 3:10, 11?

Mga 280 ulit sa Bibliya, ang tunay na Diyos ay tinawag na si “Jehova ng mga hukbo.” (2 Hari 3:14) Ang mga hukbong ito ay ang makapangyarihan na anghelikong mga hukbo sa langit na handang gawin ang anumang ipag-utos ni Jehova.​—5/1, pahina 23.

◻ Anong aral ang matututuhan natin sa paghiling ni Jehova kay Job na ipanalangin niya yaong mga nagkasala sa kaniya? (Job 42:8)

Bago naibalik ang kalusugan ni Job, hiniling ni Jehova na ipanalangin niya yaong mga nagkasala sa kaniya. Ipinakikita nito na hinihiling ni Jehova na ating patawarin yaong mga nagkasala sa atin bago mapatatawad ang ating mga kasalanan. (Mateo 6:12; Efeso 4:32)​—5/1, pahina 31.

◻ Ano ang ibig sabihin ni Santiago nang kaniyang sabihin: “Hayaang ganapin ng pagbabata ang gawa nito”? (Santiago 1:4)

Ang pagbabata ay may tungkulin, isang “gawa.” Ang atas nito ay gawin tayong ganap sa lahat ng bagay. Kaya naman, sa pagpapahintulot na maganap ang mga pagsubok nang walang anumang pagtatangka na gumamit ng di-maka-kasulatang paraan upang tapusin kaagad ang mga ito, ang ating pananampalataya ay nasusubok at nadadalisay.​—5/15, pahina 16.

◻ Bakit kinailangan pang maghintay ang Diyos nang napakahabang panahon upang lutasin ang mga problema ng sangkatauhan?

Iba ang tingin ni Jehova sa panahon kaysa sa atin. Sa walang-hanggang Diyos, ang panahon mula nang lalangin si Adan hanggang sa ngayon ay hindi man lamang umabot ng isang linggo. (2 Pedro 3:8) Ngunit anuman ang tingin natin sa panahon, bawat araw na magdaan ay nagdadala sa atin papalapit sa araw ng pagbabangong-puri ni Jehova.​—6/1, pahina 5, 6.

◻ Ano ang nag-uudyok sa mga Saksi ni Jehova?

Ang pagtuturo ni Jehova ay nakabuo ng isang naiibang bayan, anupat naturuan na umibig sa isa’t isa at sa kanilang kapuwa gaya sa kanilang sarili. (Isaias 54:13) Pag-ibig ang nag-uudyok sa mga Saksi ni Jehova na ipagpatuloy ang pangangaral sa kabila ng pangkalahatang kawalang-interes at pagsalansang. (Mateo 22:36-40; 1 Corinto 13:1-8)​—6/15, pahina 20.

◻ Ano ang ipinahihiwatig ng mga salita ni Jesus: “Magsikap kayo nang buong-lakas upang makapasok sa makipot na pintuan”? (Lucas 13:24)

Ang mga salita ni Jesus ay nagpapahiwatig ng pakikipagpunyagi, anupat ginagawa ang ating buong makakaya. Ipinakikita rin ng kaniyang mga salita na ang ilan ay maaaring maghangad na ‘pumasok sa pintuan’ kung kombinyente lamang para sa kanila, sa madaling paraan na gusto nila. Kaya maitatanong ng bawat isa sa atin, ‘Ibinubuhos ko ba ang aking sarili nang may pagsisikap at kasipagan?’​—6/15, pahina 31.

◻ Paanong ang mga binuhay-na-muli ay ‘hahatulan ayon doon sa mga bagay na nakasulat sa mga balumbon alinsunod sa kanilang mga gawa’? (Apocalipsis 20:12)

Ang mga balumbon na ito ay hindi rekord ng kanilang nakaraang mga gawa; nang mamatay sila, sila’y napawalang-sala na sa mga nagawa nila noong sila’y nabubuhay pa. (Roma 6:7, 23) Gayunman, nasa ilalim pa rin ng Adanikong kasalanan ang mga taong binuhay na muli. Kung gayon, tiyak na isinasaad sa mga balumbon na ito ang mga tagubilin ng Diyos na dapat sundin ng lahat upang makinabang nang lubusan mula sa hain ni Jesu-Kristo.​—7/1, pahina 22.

◻ Anong mga aral para sa atin ang napapaloob sa talinghaga ni Jesus tungkol sa mapagkawanggawa na Samaritano? (Lucas 10:30-37)

Ipinakikita ng talinghaga ni Jesus na ang isang taong talagang matuwid ay isa na hindi lamang sumusunod sa mga batas ng Diyos kundi tumutulad din sa kaniyang mga katangian. (Efeso 5:1) Ito rin ay nagpapakita na dapat na napagtatagumpayan ng ating pakikipagkapuwa ang lahat ng pambansa, kultural, at relihiyosong mga hadlang. (Galacia 6:10)​—7/1, pahina 31.

◻ Ano ang tatlong bahagi kung saan maaari ninyong makilala ang inyong mga anak at makapaglaan ng patnubay bilang mga magulang?

(1) Tulungan ang inyong mga anak na pumili ng isang angkop na uri ng sekular na trabaho; (2) ihanda sila na makayanan ang emosyonal na igting sa paaralan at sa pinagtatrabahuhan; (3) ipakita sa kanila kung paano masasapatan ang kanilang espirituwal na mga pangangailangan.​—7/15, pahina 4.

◻ Sa anong layunin nagpahinga ang Diyos sa “ikapitong araw”? (Genesis 2:1-3)

Hindi nagpahinga ang Diyos dahil sa siya’y pagod. Kundi, siya’y tumigil sa paggawa sa lupa upang hayaan ang kaniyang nilikha na lumago at umabot sa lubos na kagandahan, ukol sa kaniyang kapurihan at karangalan.​—7/15, pahina 18.

◻ Sa anong tatlong paraan maaari tayong gumawa nang may katarungan?

Una, dapat na makasuwato tayo ng moral na mga pamantayan ng Diyos. (Isaias 1:17) Pangalawa, gumagawa tayo nang may katarungan kapag pinakikitunguhan natin ang iba sa paraan na ibig nating pakitunguhan tayo ni Jehova. (Awit 130:3, 4) Pangatlo, nagpapamalas tayo ng makadiyos na katarungan kapag masigasig tayong nakikibahagi sa gawaing pangangaral. (Kawikaan 3:27)​—8/1, pahina 14, 15.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share