Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w98 9/1 p. 32
  • Isang Bagong Bibliya sa Modernong Griego

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Isang Bagong Bibliya sa Modernong Griego
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
w98 9/1 p. 32

Isang Bagong Bibliya sa Modernong Griego

ANG Agosto 23, 1997, ay isang natatanging araw para sa mga nagkatipon sa “Pananampalataya sa Salita ng Diyos” na Pandistritong Kombensiyon sa Gresya. Sa pagtatapos ng sesyon sa hapon, inilabas ang isang bagong Bibliya​—ang New World Translation of the Holy Scriptures sa modernong Griego. Luha ng kagalakan at matagal na pagpapalakpakan habang nakatayo ang dagliang itinugon ng nasorpresang mga tagapakinig!

Mula noong 1905, ginagamit na ng mga Saksi ni Jehova ang isang ika-19-na-siglong salin ng Bibliya na ginawa ng isang klerigong Griego Ortodokso. Napakinabangan nila ang Bibliya na ito sa loob ng maraming taon. Subalit matagal nang nadarama ng mga Saksi ni Jehova ang pangangailangan para sa isang salin ng Bibliya na mas wasto at mas madaling unawain. Noong 1993, malugod nilang tinanggap ang isang Griegong bersiyon ng New World Translation of the Christian Greek Scriptures. Subalit ngayon, nag-uumapaw ang kanilang kagalakan sa pagkakaroon ng buong Bibliya sa modernong Griego.

Sabi ng isang nagpapasalamat na Saksi, ang New World Translation ay “isang tula, isang banayad na hangin na nagdadala ng tinig ni Jehova, na sa kauna-unahang pagkakataon, mauunawaan namin nang husto sa aming sariling wika.” Sinimulan na ng ilan na basahin ang kanilang bagong Bibliya pagkarating na pagkarating nila sa bahay. Ala-una na ng madaling araw nang bitiwan ng isang tuwang-tuwang kombensiyonista ang kaniyang Bibliya, matapos na mabasa niya ang buong aklat ng Job!

Ang New World Translation of the Holy Scriptures sa Griego ay bunga ng mga pitong taon ng maingat na pagpapagal. Ganito ang sabi ng isang liham na natanggap: “Makatitiyak kayo na ang New World Translation ay aalalay sa amin nang husto sa pagtulong sa mga taimtim na tao na matuto tungkol kay Jehova.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share