Ang Digmaang Sumira sa Ika-19 na Siglo
1914
SA PAGDIDILI-DILI sa bagong milenyo, si Charley Reese, kolumnista sa pahayagang The Orlando Sentinel, ay sumulat: “Ang digmaan noong 1914-18 na sumira sa ika-19 na siglo ay hindi pa tapos.” Ano ang ibig niyang sabihin? Nagpaliwanag siya: “Hindi pinapansin ng kasaysayan ang mga kalendaryo. Ang ika-19 na siglo—binigyang-katuturan bilang isang kalipunan ng mga paniniwala, palagay, saloobin at moral—ay hindi natapos noong Ene. 1, 1901. Ito’y natapos noong 1914. Noon din nagsimula ang ika-20 siglo na binigyan ng gayunding katuturan. . . .
“Ang totoo’y sa digmaang iyan nagmula ang lahat ng pag-aalitan na ating kinasangkutan sa buong buhay natin. Halos lahat ng pangkaisipan at pangkulturang pangyayari na kinabuhayan natin ay nagmula sa digmaang iyan. . . .
“Sa palagay ko’y nagdulot ito ng gayong pinsala sapagkat winasak nito ang paniniwala ng mga tao na kaya nilang kontrolin ang kanilang tadhana. . . . Ang digmaang ito ang dahilan kung kaya kinalimutan na ng mga tao ang paniniwalang iyan. Hindi inisip ng magkabilang panig na ganito ang mangyayari. Winasak nito ang mga imperyo ng Britanya at Pransiya. Pinatay nito ang pinakamahuhusay na mga Britano, Pranses at Aleman sa isang buong henerasyon. . . . Sa maikling panahon, pinatay nito ang 11 milyon katao.”
Sa mahigit nang 120 taon, tinutukoy na ng mga Saksi ni Jehova ang 1914 bilang ang wakas ng tinatawag ni Jesus na “ang itinakdang panahon ng mga bansa.” (Lucas 21:24) Noong taóng iyon, ang binuhay-muli at niluwalhating si Jesu-Kristo ay iniluklok bilang Hari ng makalangit na Kaharian. Sa pamamagitan ng Kahariang iyan, papawiin na ng Diyos na Jehova magpakailanman ang lahat ng pagdurusa na naranasan ng siglong ito.—Awit 37:10, 11; Eclesiastes 8:9; Apocalipsis 21:3, 4.
[Picture Credit Line sa pahina 32]
U.S. National Archives photo