Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w98 10/1 p. 32
  • Mga Posteng Pananda sa Daan ng Buhay

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Posteng Pananda sa Daan ng Buhay
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
w98 10/1 p. 32

Mga Posteng Pananda sa Daan ng Buhay

KUNG ikaw ay naglalakbay sa isang di-pamilyar na daan o landas, mamalasin mo ba ang mga posteng pananda bilang isang sagabal? Malamang na hindi! Tiyak na mamalasin mo ito bilang isang pantulong upang huwag kang maligaw sa ruta na patungo sa iyong paroroonan.

Kumusta naman kung tungkol sa paglalakbay sa daan ng buhay? Matagumpay ba itong mababagtas nang walang mga posteng pananda? Kinilala ng isang sinaunang propeta ng Diyos ang mga limitasyon ng tao sa bagay na ito. Aniya: “Alam ko, O PANGINOON, na hindi para sa tao ang pumili ng kaniyang daan; ni para man sa tao ang tumiyak ng kaniyang landasin sa buhay.”​—Jeremias 10:23, The New English Bible.

Kung gayon, saan masusumpungan ang kinakailangang patnubay? Ang Maylikha ng tao ang mapananaligang pinagmumulan ng gayong patnubay, at ang makasagisag na mga posteng pananda ay masusumpungan sa Bibliya. Ganito ang sabi ni Jehova, sa pamamagitan ng kaniyang Salita: “Ang iyong sariling mga pakinig ay makaririnig ng salita sa likuran mo na nagsasabi: ‘Ito ang daan. Dito kayo lumakad, kayo bayan,’ pagka kayo’y pumipihit sa kanan o pagka kayo’y pumipihit sa kaliwa.”​—Isaias 30:21.

Oo, ang Salita ng Diyos ay nagbibigay ng mapananaligang patnubay sa bawat pitak ng ating buhay. (Isaias 48:17; 2 Timoteo 3:16, 17) Subalit, nakalulungkot nga na ang karamihan sa sangkatauhan ay naglalakbay sa landas ng buhay nang walang patnubay ng Diyos. (Mateo 7:13) Sa kabila nito, matibay ang pagkakalagay ng mga posteng pananda! Magbibigay-pansin ka ba sa mga ito habang naglalakad ka sa daan ng buhay?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share