Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w98 12/15 p. 32
  • Pakikinggan Mo ba ang Babala?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pakikinggan Mo ba ang Babala?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
w98 12/15 p. 32

Pakikinggan Mo ba ang Babala?

NOONG Mayo 19, 1997, isang buhawi ang puminsala sa distrito ng Chittagong, Bangladesh. Ang hanging papalapit na may bilis na 250 kilometro bawat oras ay napatala sa bayan ng Cox Bazaar. Sa mga dako ng kabukiran, ang mga kubong yari sa pawid ay basta na lamang napalis, anupat nag-iwan na lamang ng maliliit na bakas ng putik sa dating kinatitirikan ng mga ito. Nabunot ang mga punungkahoy at mga poste ng telegrapo; ang iba’y nabali na parang mga palito ng posporo. Iniulat sa isang ulong-balita sa pahayagang Bhorar Kagoj na 105 katao ang namatay dahil sa buhawi.

Ibinalita ng kawanihan ng panahon ang maaaring daanan ng bagyo mga 36 na oras patiuna. Walang-alinlangang maraming buhay ang nakaligtas yamang daan-daang libo ang nagkubli sa mga kongkretong silungan kapag may buhawi.

Sa loob ng mahigit na sandaang taon ngayon, inihahayag na ng mga Saksi ni Jehova ang balita ng isang napipintong kapahamakan na magiging higit na mapangwasak kaysa sa anumang buhawi. Tinatawag ito ng Bibliya na “ang dakila at kakila-kilabot na araw ni Jehova.” (Joel 2:31) Sa pamamagitan ng pagbibigay-pansin sa makahulang mga babalang mensahe na matatagpuan sa Bibliya, tayo ay makaliligtas sa galit nito.​—Zefanias 2:2, 3.

Hindi, ang mga Saksi ni Jehova ay hindi naman humuhula ng paggunaw. Ang sinasabi nila ay isang mensahe ng pag-asa. Hangad nilang matulungan ang mga tao na matutuhan ang tungkol sa Kaharian ng Diyos, na malapit nang mag-alis ng lahat ng kalikuan sa lupa. Ang Salita ng Diyos, ang Bibliya, ay nagsasabi sa atin: “Sandali na lamang, at ang balakyot ay mawawala na; at iyong bibigyang-pansin ang kaniyang dako, at siya’y mawawala na. Ngunit ang maaamo mismo ang magmamay-ari sa lupa, at sila’y tunay na makasusumpong ng matinding kasiyahan sa kasaganaan ng kapayapaan.”​—Awit 37:10, 11.

[Picture Credit Line sa pahina 32]

WHO/League of Red Cross

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share