Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w99 3/1 p. 32
  • Isinauli ang Pangalan ng Diyos

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Isinauli ang Pangalan ng Diyos
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
w99 3/1 p. 32

Isinauli ang Pangalan ng Diyos

“MATAPOS alisin ang pangalan ni Jehova sa mga Bibliya sa loob ng maraming taon at marahil ay mga siglo, ang kaniyang modernong-panahong mga saksi ang tanging Kristiyanong relihiyon na nanindigan at nagsauli sa tetragrammaton.”a

Ang mga salita sa itaas ay galing sa aklat na Jeová dentro do judaísmo e do cristianismo (Si Jehova sa Judaismo at Kristiyanismo), ng taga-Brazil na manunulat na si Assis Brasil. Subalit maaaring itanong, Bagaman ginagamit ng ilang salin ng Bibliya ang banal na pangalan sa anumang anyo, bakit inalis ito ng ibang relihiyon sa kanilang mga Bibliya? “Ang pangalan ng Diyos ay inalis,” ang sabi ni Brasil, “maaaring dahil sa pamahiin . . . , lihim na motibo, o hangaring itaas ang pangalan ni Jesus at ng kaniyang ina, si Maria.”

Gayunman, gaya ng may-katumpakang sinabi ni G. Brasil: “Ang pag-aalis sa [banal na] pangalan ay lubusang itinuwid sa wikang Portuges ng New World Translation of the Holy Scriptures.” Paano? Sa pamamagitan ng pagsasauli sa pangalang Jehova sa tamang dako nito sa Bibliyang iyon. Ang pangalang Jehova ay lumilitaw ng mahigit na 7,200 ulit sa New World Translation.

Sapol nang unang ilabas ito, mahigit na anim-at-kalahating milyong kopya ng makabago at literal na salin na ito sa Portuges ang ipinamahagi. Kaya naman, isang akda ng peryodista sa isang pahayagan sa Brazil na Diário do Nordeste (Pahayagan sa Hilagang-Silangan) ang nagbangon ng tanong, “Alam ba ninyo na may pangalan ang Diyos?” Salamat sa modernong salin na ito ng Bibliya, milyun-milyon ang maaari na ngayong sumagot ng, “Oo. Ang banal na pangalan ay Jehova.”

[Talababa]

a Sa wikang Hebreo, ang pagkakasulat ng pangalan ng Diyos ay יהוה. Ang apat na titik na ito (binabasa mula sa kanan pakaliwa) ay karaniwang tinutukoy bilang ang Tetragrammaton.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share