Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w99 4/1 p. 32
  • Pinuri ng mga Awtoridad ang mga Saksi

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pinuri ng mga Awtoridad ang mga Saksi
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
w99 4/1 p. 32

Pinuri ng mga Awtoridad ang mga Saksi

SA Cádiz, Espanya, isang daungang lunsod mga 500 kilometro sa gawing timog-kanluran ng Madrid, pinagkalooban ng alkalde na si Doña Teófila Martínez ng plake (nasa larawan sa itaas) ang mga Saksi ni Jehova. Ito ay kababasahan: “Ang munisipyo ng Cádiz para sa mga Saksi ni Jehova bilang pasasalamat sa kanilang pakikipagtulungan at pagsisikap alang-alang sa lunsod na ito.” Ano ang ginawa ng mga Saksi at nakatanggap sila ng ganitong parangal?

Ipinagkaloob iyon bilang pagkilala sa ginawa ng mga Saksi upang kumpunihin ang bahagi ng istadyum ng munisipyo ng lunsod. Sa loob ng ilang dulo ng sanlinggo, daan-daang Saksi ang tumulong upang kumpunihin ang mga palikuran sa unang palapag ng Carranza football stadium. Ngayon, ang lahat ng gumagamit ng istadyum ay nakikinabang sa mga tubo, gripo, at sahig na ikinabit.

May ilang panahon na ring nagtatamasa ng magandang kaugnayan ang mga Saksi ni Jehova sa lunsod ng Cádiz. Taun-taon, may-kabaitang ipinagagamit ng munisipyo ang Carranza Stadium sa mga Saksi para sa kanilang taunang pandistritong kombensiyon. Kaya naman, nagagalak ang mga Saksi na gawin ang makakaya nila upang panatilihing nasa maayos na kalagayan ang istadyum.

Subalit bukod sa pana-panahong pisikal na pagpapagal, regular na dumadalaw ang mga Saksi ni Jehova sa mga pamayanan ng lunsod upang suportahan ang publiko sa isa pang paraan. Ipinahahayag nila ang “mabuting balita” ng Kaharian ng Diyos. Mangyari pa, hindi sila nagsasagawa ng pangmadlang ministeryo upang umani ng papuri mula sa mga tao. Ginagawa iyon bilang pagsunod sa utos ni Jesus na ipangaral ang “mabuting balita ng kaharian” at “gumawa ng mga alagad sa mga tao sa lahat ng mga bansa.” (Mateo 24:14; 28:19) Sa ganitong paraan, umaasa ang mga Saksi ni Jehova na mapaglilingkuran nila ang pamayanan sa pamamagitan ng pagtuturo sa mga tao ng “landas ng katuwiran.”​—Kawikaan 12:28.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share