Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w99 4/15 p. 32
  • Kapayapaang Pandaigdig—Saan Magmumula?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kapayapaang Pandaigdig—Saan Magmumula?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
w99 4/15 p. 32

Kapayapaang Pandaigdig​—Saan Magmumula?

MAGDADALA ba ng kapayapaang pandaigdig ang pangglobong paglawak ng edukasyon at relihiyon? Ito ang pangarap ni Dr. Robert Muller, dating pangalawang panlahat na kalihim ng United Nations at tumanggap ng 1989 UNESCO Prize for Peace Education. Gaya ng iniulat sa pahayagang The Vancouver Sun, “kumbinsido [si Dr. Muller] na ang lahat ng estudyante sa daigdig ay dapat na turuan ng mga kurso sa pag-aaral tungkol sa mga katotohanan at kahalagahan ng planeta, ng sangkatauhan at kawalang-karahasan.” Nakikini-kinita niya ang araw na ang lahat ng mga institusyon sa pag-aaral sa buong daigdig ay magtuturo sa mga bata tungkol sa UN bilang ang pinakamagandang pag-asa para sa kapayapaan. Naniniwala rin siya na “lahat ng mga relihiyon sa daigdig ay dapat na maging mga miyembro ng bagong organisasyong tulad-UN na tinatawag na United Religions,” ulat ng Sun. Sa panahong iyon, “itataguyod ng lahat ng relihiyosong turo ang kawalang-karahasan.”

Magkatotoo pa kaya ang kapayapaang pandaigdig? Tiyak iyan! Ngunit hindi sa pamamagitan ng anumang ahensiya ng tao. Mahigit na 2,700 taon na ang nakalipas, kinilala ng isang kinasihang manunulat ang nakatataas na pinagmumulan ng edukasyon para sa kapayapaan nang ihula niya na ang mga taong tapat-puso ay “tuturuan ni Jehova,” at ang kanilang kapayapaan ay magiging “sagana.”​—Isaias 54:13.

Ang Diyos ang isa na “nagbibigay ng kapayapaan,” sabi ng Bibliya. (Roma 16:20) Kahit na sa ngayon ay isinasagawa na ang isang kamangha-manghang pangglobong programa ng pagtuturo habang tinuturuan ni Jehova ang kaniyang bayan na “hanapin ang kapayapaan at itaguyod ito,” anupat “pupukpukin nila ang kanilang mga tabak upang maging mga sudsod,” at hindi na “kailanman mag-aaral ng pakikipagdigma.”​—1 Pedro 3:11; Isaias 2:2-4.

Ang pagsambang nakasalig sa katotohanan, malaya mula sa pagpapaimbabaw at panlilinlang, ay sinasang-ayunan at pinagpapala ng Diyos. (Mateo 15:7-9; Juan 4:23, 24) Tanging ang tunay na pagsamba, na lubusang kasuwato ng Salita ng Diyos, ang makagagawa ng mga taong namumuhay sa kapayapaan at pagkakaisa at may tunay na pag-ibig sa isa’t isa.​—Juan 13:35.

Upang matuto nang higit sa sinasabi ng Salita ng Diyos hinggil sa kapayapaang pandaigdig, inaanyayahan ka naming makipag-ugnayan sa mga tagapaglathala ng babasahing ito.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share