Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w99 4/15 p. 30
  • Natatandaan Mo Ba?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Natatandaan Mo Ba?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
  • Kaparehong Materyal
  • Mayroon Ka Bang Imortal na Espiritu?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2001
  • Mayroon Ka Bang Imortal na Espiritu?
    Mayroon Ka Bang Imortal na Espiritu?
  • Ito na ang Araw ng Kaligtasan!
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
  • Si Jesus ay Nagliligtas—Paano?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2001
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
w99 4/15 p. 30

Natatandaan Mo Ba?

Nasiyahan ka ba sa pagbasa sa kamakailang mga labas ng Ang Bantayan? Buweno, tingnan natin kung masasagot mo ang sumusunod na mga tanong:

◻ Bakit angkop ang pananalita ni Pablo na “mga embahador na humahalili para kay Kristo” para sa pinahirang mga Kristiyano? (2 Corinto 5:20)

Noong unang panahon, ang mga embahador ay isinusugo lalo na sa mga panahon ng alitan upang tingnan kung maiiwasan ang pagdidigmaan. (Lucas 14:31, 32) Yamang ang makasalanang sanlibutan ng sangkatauhan ay hiwalay sa Diyos, isinusugo niya ang kaniyang pinahirang mga embahador upang ipabatid sa mga tao ang kaniyang mga kondisyon para sa pakikipagkasundo, anupat hinihimok sila na makipagpayapaan sa Diyos.​—12/15, pahina 18.

◻ Anong apat na bagay ang nagpatibay sa pananampalataya ni Abraham?

Una, ipinakita niya ang kaniyang pananampalataya kay Jehova sa pamamagitan ng pakikinig kapag nagsasalita ang Diyos (Hebreo 11:8); ikalawa, ang kaniyang pananampalataya ay malapit na nauugnay sa kaniyang pag-asa (Roma 4:18); ikatlo, madalas makipag-usap kay Jehova si Abraham; at ikaapat, inalalayan ni Jehova si Abraham nang sundin niya ang patnubay ng Diyos. Ang mga bagay ring ito ang makapagpapatibay sa ating pananampalataya ngayon.​—1/1, pahina 17, 18.

◻ Ano ang ibig sabihin ng pananalitang “Huwag mo kaming dalhin sa tukso”? (Mateo 6:13)

Hinihiling natin sa Diyos na huwag tayong hayaang mabigo kapag tayo’y tinutuksong suwayin siya. Maaari tayong patnubayan ni Jehova upang hindi tayo sumuko at hindi malamangan ni Satanas, “ang isa na balakyot.” (1 Corinto 10:13)​—1/15, pahina 14.

◻ Ano ang kailangang gawin ng isa upang makamit ang pagpapatawad ng Diyos sa masamang gawa?

Ang pagtatapat sa Diyos ay kailangang lakipan ng pagsisisi at “mga bungang naaangkop sa pagsisisi.” (Lucas 3:8) Ang pagsisisi at hangaring ituwid ang kamalian ay magpapakilos din sa isa na hingin ang espirituwal na tulong ng Kristiyanong matatanda. (Santiago 5:13-15)​—1/15, pahina 19.

◻ Bakit tayo dapat magsumikap na maging mapagpakumbaba?

Ang taong mapagpakumbaba ay matiyaga at may mahabang pagtitiis, at hindi niya masyadong tinitingnan ang kaniyang sarili. Ang kapakumbabaan ay umaakit ng tunay na mga kaibigan na nagmamahal sa iyo. Higit pa riyan, nagbubunga ito ng pagpapala ni Jehova. (Kawikaan 22:4)​—2/1, pahina 7.

◻ Anong malaking pagkakaiba sa kamatayan ni Jesus at niyaong kay Adan?

Nararapat lamang mamatay si Adan, sapagkat sadyang sinuway niya ang kaniyang Maylalang. (Genesis 2:16, 17) Sa kabaligtaran, talagang hindi nararapat mamatay si Jesus, sapagkat “hindi siya nakagawa ng kasalanan.” (1 Pedro 2:22) Kaya nang mamatay si Jesus, taglay niya ang isang bagay na totoong mahalaga na hindi taglay ni Adan nang mamatay ito​—ang karapatan sa sakdal na buhay ng tao. Sa gayon, ang kamatayan ni Jesus ay may halaga ukol sa paghahain sa ikatutubos ng sangkatauhan.​—2/15, pahina 15, 16.

◻ Sa makahulang pangitain ni Ezekiel, ano ang inilalarawan ng lunsod?

Yamang ang lunsod ay nakapuwesto sa gitna ng di-banal (di-sagrado) na lupain, tiyak na ito’y isang bagay na makalupa. Kaya ito ay waring lumalarawan sa makalupang administrasyon na nagdudulot ng kapakinabangan sa lahat ng mga bubuo ng matuwid na lipunan sa lupa.​—3/1, pahina 18.

◻ Bakit hinugasan ni Jesus ang paa ng kaniyang mga alagad nang ipagdiwang ang Paskuwa noong 33 C.E.?

Si Jesus ay hindi nagtatatag ng isang ritwal na paghuhugas ng paa. Sa halip, tinutulungan niya ang kaniyang mga apostol na magtaglay ng bagong saloobin​—isa na mapagpakumbaba at handang gumawa ng pinakamababang atas alang-alang sa kanilang mga kapatid.​—3/1, pahina 30.

◻ Sa pagtuturo natin sa iba, ano ang mas mahalaga kaysa sa likas na mga kakayahan?

Ito ang mga katangian na taglay natin at ang espirituwal na mga kaugalian na napaunlad natin na maaaring tularan ng mga estudyante. (Lucas 6:40; 2 Pedro 3:11)​—3/15, pahina 11, 12.

◻ Paano mapasusulong ng mga tagapagsalita sa madla ang kanilang pagbasa sa Kasulatan?

Sa pamamagitan ng pagsasanay. Oo, sa pagbabasa nang malakas at paulit-ulit hanggang sa mabasa nila ito nang may katatasan. Kung may makukuhang mga audiocassette ng Bibliya, makabubuting pakinggan ang pagdiriin at pagbabagu-bago ng tinig ng bumabasa at pansinin kung paano binibigkas ang mga pangalan at di-pangkaraniwang mga salita.​—3/15, pahina 20.

◻ Paano ‘bumabalik sa Diyos ang espiritu’ kapag namatay ang isang tao? (Eclesiastes 12:7)

Yamang ang espiritu ay ang puwersa ng buhay, ito’y ‘nagbabalik sa tunay na Diyos’ sa diwa na anumang pag-asa sa hinaharap na buhay ng taong iyon ay lubusang nakasalalay ngayon sa Diyos. Ang Diyos lamang ang makapagsasauli sa espiritu, o puwersa ng buhay, na magpapangyari sa isang tao na mabuhay muli. (Awit 104:30)​—4/1, pahina 17.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share