Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w99 5/15 p. 32
  • Karahasan—Malapit Nang Magwakas Magpakailanman!

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Karahasan—Malapit Nang Magwakas Magpakailanman!
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
w99 5/15 p. 32

Karahasan​—Malapit Nang Magwakas Magpakailanman!

“Nanganganib ang Bansa sa Karahasan”​—The New York Times, Estados Unidos.

“Karahasan sa Tahanan”​—O Globo, Brazil.

“Binibiktima ng Karahasan ang mga Kababaihan sa Daigdig”​—The Globe and Mail, Canada.

NILALARAWAN ng mga ulong balitang ito mula sa mga pahayagan sa Hilaga at Timog Amerika ang isang nakababahalang takbo ng mga pangyayari sa buong daigdig. Gaya ng pagkasabi rito kamakailan ng World Health Organization, “biglang dumami ang lahat ng anyo ng karahasan nitong nakaraang mga dekada.”

Isaalang-alang ang ilang nakalulungkot na mga estadistika:

Pamamaslang. Sa Latin Amerika at sa Caribbean, mga 1,250 tao araw-araw ang marahas na pinapatay. Bunga nito, “kalahati sa mga bansang nasa rehiyong ito, ang pagpatay ang siyang pangalawa sa pangunahing sanhi ng kamatayan ng mga kabataang nasa edad na 15-24.”

Karahasan sa mga bata. Ang pisikal, seksuwal, at emosyonal na pang-aabuso sa mga bata ay mga suliranin sa buong daigdig. Halimbawa, “ipinahihiwatig ng mga surbey sa mga nasa hustong gulang sa ilang industriyalisadong bansa na 10%–​15% ng mga bata ay biktima ng seksuwal na pang-aabuso​—karamihan sa mga ito ay mga batang babae.”

Karahasan sa mga kababaihan. Matapos suriin ang mga nagawang pang-aabuso sa mga karapatang pantao sa buong daigdig noong 1997, naipasiya ng mga mananaliksik na ang “karahasan sa tahanan ang isa sa pangunahing sanhi ng pagkapinsala ng mga babae sa halos lahat ng bansa sa daigdig.” (Human Rights Watch World Report 1998) Ang karahasan sa tahanan, palibhasa’y isang palasak subalit di-lubusang naiuulat na problema, ay tinatawag ngayong “ang tahimik na krisis ng ika-20 siglo.”​—The Globe and Mail, Canada.

Ang lupa ay “napuno [rin] ng karahasan” na gaya noong panahon ni Noe. (Genesis 6:9-12) Subalit iningatang buháy ng Diyos na Jehova ang “mangangaral ng katuwiran” na iyan at ang kaniyang pamilya “nang magpasapit siya ng delubyo sa isang sanlibutan ng mga taong di-maka-Diyos.” Gayundin ang gagawin ng Diyos sa ating panahon. Ililigtas niya ang “mga taong may maka-Diyos na debosyon” kapag aalisin na niya ang karahasan at kabalakyutan at gagawing paraiso ang lupang ito sa kaniyang ipinangakong bagong sanlibutan. (2 Pedro 2:4-9; 3:11-13) Hindi ka ba natutuwang malaman na ang karahasan ay malapit nang magwakas magpakailanman?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share