Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w99 8/1 p. 32
  • Pagtatangi ng Lahi at Relihiyon

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagtatangi ng Lahi at Relihiyon
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
w99 8/1 p. 32

Pagtatangi ng Lahi at Relihiyon

NANG ako’y pumunta sa Estados Unidos noong 1978, naniwala akong malaon nang nalutas ng Amerika ang mga problema nito hinggil sa lahi, na ang mga itim ay kapantay na mga mamamayan,” sabi ni Mark Mathabane, isang awtor na ipinanganak sa Timog Aprika, sa ginawang panayam ng magasing Time. “Sa maraming paraan, nakita kong totoo nga ito. Sa wari’y isang daang taon na ang kalamangan ng Estados Unidos sa Timog Aprika. Gulat na gulat ako nang matuklasan kong wala naman palang gaanong pagbabago sa kalooban ng mga tao.” Ano ang umakay sa kaniya sa gayong nakagugulat na tuklas?

“Isa sa pinakamatinding oras ng pagkakabukud-bukod sa Amerika ay tuwing alas 11 n.u. ng Linggo,” sabi ni Mathabane. Napansin niya na maging sa simbahan, atubili ang mga tao na makisama sa ibang lahi sa panahon ng pagsamba. “Ano naman kaya ang kanilang nadarama sa ibang araw ng sanlinggo?” ang tanong niya. Sa pagbibigay-pansin sa edukasyon bilang isang mitsa ng pagbabago, sinabi ni Mathabane: “Tuturuan ka ng edukasyon na tanggapin ang pagkakapantay-pantay ng mga tao.”

Sumasang-ayon ang mga Saksi ni Jehova na ang edukasyon ang kasagutan, subalit pantangi nilang inirerekomenda ang edukasyong salig sa Salita ng Diyos. Oo, tinutulungan sila ng Bibliya na gibain ang mga hadlang na likha ng pagtatangi ng lahi​—kahit sa mga lupaing palasak ang etnikong alitan. Linggu-linggo sa kanilang mga Kingdom Hall, ang mga tao mula sa iba’t ibang lahi at nasyonalidad ay nagtitipong magkakasama upang maturuan sa mga batas at simulain ng Salita ng Diyos, ang Bibliya. Walang kinukuhang koleksiyon sa mga pulong na ito. Malugod na tatanggapin ka sa iyong pagdalo!

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share