Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w99 8/15 p. 3-4
  • Mahal Mo ba ang Buhay?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mahal Mo ba ang Buhay?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
  • Kaparehong Materyal
  • “Ang Buong Katungkulan ng Tao”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
  • Ang Iyong Buhay—Ano ang Layunin Nito?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
  • Paano Kaya Magiging Makabuluhan ang Buhay?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2008
  • Kaligayahan—Kung Ano ang Kinakailangan Upang Masumpungan Ito
    Gumising!—1985
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
w99 8/15 p. 3-4

Mahal Mo ba ang Buhay?

“TULUTAN ninyo akong masilayan ang liwanag.” Ito ang mga salitang napaulat na binigkas ng makatang Italyano na si Giacomo Leopardi sa mga nag-aasikaso sa kaniya habang nag-aagaw-buhay siya. Ipinahihiwatig ng mga salita ang matinding pagmamahal ng tao sa buhay, na kinakatawanan ng liwanag.

Ang pagmamahal sa buhay ay isang mahalagang simbuyo na nag-uudyok sa karamihan upang umiwas sa mga panganib at gawin ang lahat ng magagawa nila upang makapanatiling buháy. Sa bagay na ito, ang tao ay halos walang ipinagkaiba sa mga hayop, na nagtataglay ng likas at matinding hangaring manatiling buháy.

Subalit ano kayang uri ng buhay ang talagang karapat-dapat tamasahin at mahalin? Hindi ito basta isang pisyolohikong pag-iral lamang​—na humihinga at gumagalaw lamang. Ni nakakamit ang pangkalahatang kaluguran sa pamamagitan ng pagkuha hangga’t maaari ng pinakamaraming bagay na makukuha sa buhay. Ang Epicureong pilosopiya na, “kumain tayo at uminom, sapagkat bukas tayo ay mamamatay,” ay hindi nakapagpakontento sa karamihan ng mga tao. (1 Corinto 15:32) Bagaman ang tao ay tiyak na maraming pangunahing pangangailangan sa materyal, mayroon din naman siyang pangkultura at panlipunang mga interes, bukod pa sa pangangailangang espirituwal, na kaugnay ng pananampalataya sa isang Kataas-taasang Persona. Nakalulungkot sabihin, daan-daang milyon, kung hindi man bilyun-bilyon, na mga tao ang mahihirap pa sa daga dahil sa miserableng kalagayan ng lipunan at kapaligiran sa maraming lugar sa daigdig. Sinumang tao na ang inuuna lamang sa buhay ay ang matustusan ang kanilang pisikal na mga pangangailangan​—pagkain, pag-inom, pagkakamal ng mga ari-arian, o pagpapalugod sa seksuwal na mga pagnanasa​—ay namumuhay humigit-kumulang nang ayon sa laman, na mula roon ay kakaunting kasiyahan lamang ang kanilang natatamo. Dahil dito, hindi nila nagagamit ang mas kapaki-pakinabang na kayamanang iniaalok ng buhay upang masapatan ang talino at damdamin ng tao. Isa pa, sinumang tao na ang hangarin ay ang mabigyang-kasiyahan lamang ang kanilang makasariling pagnanasa ay hindi lamang nabibigong matamasang mabuti ang buhay kundi ang mga ito’y nakapipinsala rin sa lipunang kanilang ginagalawan, at hindi sila interesado sa kapakanan ng iba.

Bilang pagpapatunay rito, isang hukom na nakikitungo sa mga kabataang lumalabag sa batas ang nagsabing “ang kawalan ng pamantayan, pagbibigay-dangal sa di-magagandang huwaran, at ang pagiging biglang-yaman” ay malamang na “magtaguyod ng labis-labis na pagkahilig sa pakikipagpaligsahan.” Ito’y hahantong sa paggawing nakasisira sa lipunan at nakapipinsala sa mga kabataan, lalo na kapag sila’y bumaling sa droga.

Alam mong napakaraming iniaalok na pang-akit ang buhay​—pagbabakasyon sa pagkagagandang lugar, kapana-panabik na mga pagbabasa o pananaliksik, kasiya-siyang pakikipagsamahan, magagandang musika. At may iba pang mga gawaing nagdudulot ng kasiyahan malaki man o maliit. Yaong taimtim na sumasampalataya sa Diyos, at lalo na sa Diyos ng Bibliya, si Jehova, ay higit na may dahilan upang mahalin ang buhay. Ang tunay na pananampalataya ay pinagmumulan ng lakas at katahimikang nakatutulong sa mga tao upang makayanan ang mahihirap na panahon. Ang mga naniniwala sa tunay na Diyos ay may-tiwalang makapagsasabi: “Si Jehova ang aking katulong; hindi ako matatakot.” (Hebreo 13:6) Ang mga taong pamilyar sa pag-ibig ng Diyos ay nakadarama ng kaniyang pag-ibig. Sila’y tumutugon sa kaniyang pag-ibig, anupat nakadarama ng tunay na kagalakan dahil dito. (1 Juan 4:7, 8, 16) Nagkakaroon sila ng aktibo at di-sakim na pamumuhay na siyang pinagmumulan ng kasiyahan. Gaya lamang ito ng sinabi ni Jesu-Kristo: “May higit na kaligayahan sa pagbibigay kaysa sa pagtanggap.”​—Gawa 20:35.

Nakalulungkot sabihin, may iba pang pitak ang kasalukuyang buhay. Palasak ang pagdurusa, kawalang-katarungan, karalitaan, sakit, at kamatayan​—bilang pagbanggit sa ilan lamang sa masasaklap na bagay na madalas na nagiging dahilan upang di-halos makayanan ang buhay. Taglay na ng mayaman, makapangyarihan, at matalinong si Haring Solomon ng sinaunang bansang Israel ang lahat ng pag-aari na makapagpapaligaya sa tao. Ngunit may isang bagay na bumabagabag sa kaniya​—ang katotohanan na iiwan niya sa iba ang lahat ng natamo niya dahil sa ‘kaniyang pagpapagal,’ na isinagawa nang “may karunungan at may kaalaman at may kahusayan.”​—Eclesiastes 2:17-21.

Gaya ni Solomon, marami ang nakababatid sa kaigsian ng buhay, na napakadaling lumilipas. Sinasabi ng Kasulatan na ‘inilagay [ng Diyos] sa ating isip ang pagkawalang-hanggan.’ (Eclesiastes 3:11, Byington) Ang kabatiran sa pagkawalang-hanggang ito ang nag-udyok sa tao upang magmuni-muni sa kaigsian ng buhay. Darating ang panahon, palibhasa’y walang masumpungang kapani-paniwalang sagot sa kahulugan ng buhay at kamatayan, ang isa’y maaaring mabigatan dahil sa nadarama nilang pananaig ng masama at kawalang-saysay. Mapalulungkot nito ang buhay.

May mga sagot ba sa nagpapahirap na mga tanong na ito ng tao? Sasapit pa kaya ang mga kalagayan na magpapangyaring maging mas kaakit-akit at matagal ang buhay?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share