Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w99 12/15 p. 32
  • “Paano ba Natin Magigising ang Ating mga Parokya?”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Paano ba Natin Magigising ang Ating mga Parokya?”
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
w99 12/15 p. 32

“Paano ba Natin Magigising ang Ating mga Parokya?”

ANG katanungang iyan, na itinanong kamakailan ng Katolikong magasing Pranses na Famille Chrétienne (Pamilyang Kristiyano), ay hindi nakagulat sa marami. Tinawag pa nga ni Kardinal Hume ng Britanya ang mga parokyang ito ng simbahan na “mga higanteng natutulog.” Iminungkahi ang mga grupong miyembro ng parokya na nangangaral sa iba bilang isang paraan ng paggising sa pagkakaidlip. Tinawag ito ng isang paring Italyano na “tuwirang pag-eebanghelyo na may bagong mga pamamaraan.” Bagaman pinatibay kamakailan ng papa ang gayong mga pagkukusa, hindi lahat ay nakadarama ng pangangailangan na ibahagi ang kanilang pananampalataya.

Si Pigi Perini, isang kura paroko sa Milan, ay dumalaw kamakailan sa Aprika, kung saan isang madre ang nagsabi sa kaniya: “Apatnapung taon na ako rito, at nagtagumpay ako sa hindi pagsasalita kailanman ng pangalan ni Jesus upang hindi masira ang kultura ng Aprika.” Ang kura paroko ay nagtapos: “Hindi na tayo nagsasalita tungkol kay Jesus, hindi na natin ibinabahagi si Jesus, hindi na natin ipinangangaral ang ebanghelyo!” Gayunman, para sa maraming iba pa, ang pangangaral ay isang mahalagang bahagi ng kanilang buhay at isang paraan upang manatiling gising sa espirituwal. Si Pigi Perini ay umamin: “Makakakita ka ng dalawang tao na nagsasalita tungkol kay Kristo sa pamilihan, o may ipit na Bibliya sa kanilang bisig, at sasabihin mo sa iyong sarili: Tingnan mo, mga Saksi ni Jehova!”

Milyun-milyong tao ang nasisiyahan sa pakikipag-usap sa mga Saksi ni Jehova hinggil sa Salita ng Diyos. Walang alinlangang nagsasaayos ang mga Saksi ng mga pakikipag-usap tungkol sa Bibliya sa inyong komunidad. Gaya noong unang siglo, pinatitibay ng masisigasig na mga Kristiyanong ito ang isa’t isa na ibahagi ang kanilang pananampalataya sa iba. Ang mga dako ng kanilang pagpupulong (tinatawag na mga Kingdom Hall) ay mga lugar na doo’y makasusumpong ka ng kasiglahan at pagkakaibigan. Bakit hindi dumalo sa isa sa mga pagpupulong na isinaayos ng mga Saksi ni Jehova at tingnan kung paano ninyo mapaglalabanan ang espirituwal na pananamlay?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share