Isang Natatanging Taon Para sa Pamamahagi ng Bibliya
MAS maraming tao higit kailanman ang may Bibliya. Iyan ang ipinahihiwatig ng isang ulat mula sa United Bible Societies, dahil sa ang pamamahagi ng Bibliya ay tumaas noong 1998 nang mahigit sa kalahating milyon kaysa noong nakalipas na taon. Lahat-lahat, mahigit sa 585,000,000 Bibliya—sa kabuuan o sa bahagi—ang naipamahagi sa palibot ng globo. “Ito’y isang dahilan para mapatibay-loob,” ang sabi ng report. “Mas maraming tao ang naaabot sa ngayon taglay ang Salita ng Diyos.”
Siyempre pa, may pagkakaiba sa pagitan ng pagkakaroon ng Bibliya at ng pagbabasa nito. Halimbawa, isiniwalat ng isang surbey na mahigit sa 90 porsiyento ng mga Amerikano ang nagmamay-ari ng kahit na isang Bibliya, at isang katumbas na bilang ang naniniwala na ang Bibliya ay mahusay na pinagmumulan ng turo sa moral. Gayunman, 59 na porsiyento lamang ang nagsabi na bumabaling sila sa Bibliya para sa payo. At 29 na porsiyento ang umamin na sila’y alinman sa “hindi masyado” o “hindi man lang” pamilyar sa Bibliya.
Ang mga Saksi ni Jehova ay hindi lamang nag-iimprenta at namamahagi ng mga Bibliya kundi nagdaraos din ng libreng pantahanang mga pakikipag-aral sa Bibliya sa mga tao sa mahigit na 230 lupain. Milyun-milyon sa buong daigdig ang nakikinabang na ngayon mula sa programang ito ng edukasyon sa Bibliya. Sila ay natutulungan na makayanan ang mga suliranin na hinaharap nila ngayon, at kanilang natututuhan ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa isang maaliwalas na kinabukasan sa ilalim ng Kaharian ng Diyos.—Isaias 48:17, 18; Mateo 6:9, 10.
[Mga larawan sa pahina 32]
Mga pantahanang pag-aaral sa Bibliya sa (pakanan mula kaliwang itaas) Bolivia, Ghana, Sri Lanka, at Inglatera