Isinauli Nito ang mga Singsing sa Kanilang mga Daliri
“TINGNAN mo ang aking mga daliri. May napansin ka bang kakaiba?” Ipinakita ng isang lalaki ang kaniyang kamay sa isang babae, isa sa mga Saksi ni Jehova, na tumingin dito at kaagad na napansin na wala ang kaniyang singsing na pangkasal. Ipinaliwanag niya na siya at ang kaniyang asawang babae ay hindi na magkasundo, kaya nagpasiya silang magdiborsiyo. “Huwag!” ang sabi ng Saksi. “Kunin mo ang aklat na ito at basahin mo. Tutulungan ka nito sa iyong pag-aasawa.” Pagkatapos niyan, ibinigay niya sa kaniya ang isang kopya ng salig-Bibliyang aklat na Ang Kaalaman na Umaakay sa Buhay na Walang-Hanggan.a
Pagkalipas ng ilang araw ay bumalik ang lalaki sa Saksi na may masayang kalooban. Ipinakita niya rito ang kaniyang kamay. Sa pagkakataong ito ay suot na niya ang kaniyang singsing na pangkasal. Sinabi nito sa kaniya na binasa nilang mag-asawa ang aklat ng Kaalaman at masayang-masaya na sila ngayon. Literal na isinauli ng aklat ang mga singsing sa kanilang mga daliri.
Ang payo ng Bibliya ay makatutulong sa isang asawang lalaki at babae na magpamalas ng tunay na pag-ibig sa isa’t isa. Ito’y sapagkat ang awtor ng Bibliya ay walang iba kundi ang ating Maylalang, na nagsasabi: “Ako, si Jehova, ang iyong Diyos, ang Isa na nagtuturo sa iyo upang makinabang ka, ang Isa na pumapatnubay sa iyo sa daan na dapat mong lakaran.”—Isaias 48:17.
[Talababa]
a Inilathala ng Watchtower Bible and Tract Society of New York, Inc.