Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w00 3/15 p. 32
  • Ang Hinahanap-hanap Niya sa Lunsod ng New York

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Hinahanap-hanap Niya sa Lunsod ng New York
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2000
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2000
w00 3/15 p. 32

Ang Hinahanap-hanap Niya sa Lunsod ng New York

ANG karatulang makikita rito ay litaw na litaw na nakatanghal sa isa sa mga pagawaang gusali ng Samahang Watchtower sa Brooklyn, New York, mula pa noong mga taon ng 1950. Ang mga nagbibiyahe, turista, at iba pa na nagdaraan ay napaaalalahanan na basahin ang Bibliya araw-araw. Ang sumusunod na liham, na tinanggap mula sa isang kabataang babae na Saksi, ay nagpapakita kung gaano kabisa ang paalaalang ito.

“Ipinakikipag-usap ko sa isang kaklase ko kung ano ang gusto kong gawin pagkatapos ko ng haiskul. Nagsimula akong magkuwento tungkol sa Bethel, ang punong-tanggapan ng mga Saksi ni Jehova, at gayon na lamang ang tuwa niya. Sinabi niya sa akin na nakatira siya sa Lunsod ng New York sa buong buhay niya. Hindi masyadong relihiyoso ang pamilya niya, subalit tuwing umaga kapag tumitingin siya sa labas ng bintana, naroon ang isang karatula na nagsasabing ‘Basahin ang Salita ng Diyos ang Banal na Bibliya Araw-Araw.’ Kaya araw-araw ay nagbabasa siya ng Bibliya bago siya pumasok sa paaralan.

“Pagkatapos lumipat sa labas ng lunsod, sinabi niya na ang bagay na hinahanap-hanap niya sa Lunsod ng New York ay na kapag siya’y gumigising, hindi na niya nakikita ang paalaala na basahin ang kaniyang Bibliya. Subalit dahil sa karatula sa gusali ng Watchtower, nakaugalian na niya ang pagbabasa ng Bibliya, kaya patuloy siyang nagbabasa ng Bibliya araw-araw!”

Wala nang hihigit pang paraan upang pasimulan ang araw kundi sa pamamagitan ng pagbabasa ng isang bahagi ng Salita ng Diyos! Sa paggawa nito, tiyak na mapahahalagahan mo ang pananalita ni apostol Pablo: “Ang banal na mga kasulatan . . . ay makapagpaparunong sa iyo ukol sa kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya may kaugnayan kay Kristo Jesus.”​—2 Timoteo 3:15-17.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share