Ang Pagbibigay na Mahalaga sa Paningin ni Jehova
Ang sumusunod na liham ay tinanggap ng tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa Mozambique:
“Ako po’y isang pitong-taóng-gulang na batang lalaki. Nag-aaral pa po ako sa elementarya. Ipinadadala ko po ang salaping naipon ko sa pag-aalaga ng isang sisiw. Ipinagbili ko ito sa halagang 12,000 Meticais [$1, U.S.]. Pinasasalamatan ko po si Jehova sa pagpapalaki sa unang sisiw na kailanman ay inalagaan ko hanggang sa maging isang tandang. Nais ko pong magamit ang aking kaloob para sa gawain ng Kaharian ni Jehova.
“PS: Tinulungan po ako ng aking ama na isulat ang liham na ito.”
Iniuugnay ng ilang tao ang pagkamapagbigay roon sa mga may labis na materyal na mga bagay. Gayunman, kapag binasa natin ang ulat ng Bibliya hinggil sa babaing balo na naghulog sa kabang-yaman ng “dalawang maliit na barya na napakaliit ang halaga,” mapahahalagahan natin na ang pagkamapagbigay ay sinusukat, hindi sa pamamagitan ng dami, kundi sa tamang hilig ng puso.—Lucas 21:1-4.
Pinahahalagahan ni Jehova ang bawat kaloob, gaano man ito kaliit, na nagmula sa isang puso na ginanyak ng pag-ibig. At mayaman niyang pinagpapala yaong mga tumutulad sa kaniyang pagkamapagbigay sa pamamagitan ng pagkakaloob ng kanilang panahon, lakas, o materyal na mga tinataglay alang-alang sa kaniyang Kaharian.—Mateo 6:33; Hebreo 6:10.