Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w03 3/15 p. 3
  • Ang Araw na Dapat Alalahanin

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Araw na Dapat Alalahanin
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2003
  • Kaparehong Materyal
  • Ikaw at ang Mensahe ni Jesu-Kristo
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2010
  • Juan 3:16—“Sapagkat Gayon na Lamang ang Pag-ibig ng Diyos sa Sanlibutan”
    Paliwanag sa mga Teksto sa Bibliya
  • Kung Ano ang Nagawa Na ng Diyos Upang Iligtas ang Sangkatauhan
    Ang Kaalaman na Umaakay sa Buhay na Walang-Hanggan
  • Ano ba ang Kabuluhan sa Iyo ng Kamatayan ni Jesus?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2003
w03 3/15 p. 3

Ang Araw na Dapat Alalahanin

ITO ang araw na lubusang bumago sa landasin ng sangkatauhan para sa walang-hanggang ikabubuti nito. Walang ibang araw sa kasaysayan ang may gayong epekto sa kinabukasan ng sangkatauhan. Ito ang araw na tinapos ni Jesus ang lahat ng bagay na dapat niyang gawin dito sa lupa. Habang nakapako sa pahirapang tulos, sumigaw siya bago siya namatay: “Naganap na!” (Juan 19:30) Ano ba ang layunin ng pagpunta rito ni Jesus?

“Ang Anak ng tao ay dumating,” ang sabi ng Bibliya, “hindi upang paglingkuran, kundi upang maglingkod at ibigay ang kaniyang kaluluwa bilang pantubos na kapalit ng marami.” (Mateo 20:28) Ibinigay ni Jesus ang kaniyang kaluluwa, o buhay, upang iligtas ang sangkatauhan mula sa minanang kasalanan at kamatayan. Oo, “gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan anupat ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang bawat isa na nananampalataya sa kaniya ay hindi mapuksa kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.” (Juan 3:16) Tunay na isang napakahalagang paglalaan ang hain ni Jesus!

May isa pang dahilan kung bakit dapat alalahanin ang araw ng kamatayan ni Jesus. Noong araw na iyon, itinuro ng Anak ng Diyos sa kaniyang mga apostol ang mahahalagang aral na tutulong sa kanila na manatiling tapat. Tiyak na nakaantig sa puso ng mga alagad na iyon ang kaniyang huling mga sinabi! Ano ang kaniyang mga itinuro? Paano tayo makikinabang sa mga itinuro ni Jesus sa kanila? Tatalakayin ang mga tanong na ito sa susunod na artikulo.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share