Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w03 8/15 p. 31
  • Inibig Niya ang Kabaitan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Inibig Niya ang Kabaitan
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2003
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2003
w03 8/15 p. 31

Inibig Niya ang Kabaitan

SI Milton G. Henschel, isang matagal nang miyembro ng Lupong Tagapamahala ng mga Saksi ni Jehova, ay nakatapos na sa kaniyang makalupang landasin noong Sabado, Marso 22, 2003. Siya ay 82 taóng gulang.

Bilang isang kabataang lalaki, si Milton Henschel ay napabilang sa mga manggagawa ng punong-tanggapan ng mga Saksi ni Jehova at naglingkod nang tapat sa mahigit na 60 taon. Agad siyang nakilala sa kaniyang mahusay na pagpapasiya at taimtim na interes sa gawaing pangangaral ng Kaharian. Noong 1939, naging kalihim siya ni N. H. Knorr, na noon ay tagapangasiwa ng palimbagan ng mga Saksi ni Jehova sa Brooklyn. Nang magpasimulang manguna si Brother Knorr sa mga Saksi sa buong daigdig noong 1942, pinanatili niya si Brother Henschel para makatulong niya sa gawain. Naging asawa ni Brother Henschel si Lucille Bennett noong 1956, at magkasama nilang pinagsaluhan ang mga kagalakan at mga kahirapan sa buhay.

Si Brother Henschel ay nakipagtulungang mabuti kay Brother Knorr hanggang sa kamatayan ni Knorr noong 1977. Kadalasan ay kasama ni Brother Knorr si Brother Henschel sa paglalakbay sa mahigit na 150 bansa, na dumadalaw at nagpapatibay sa mga Saksi ni Jehova sa buong daigdig, lalo na sa mga misyonero at sa mga nasa tanggapang pansangay. Nakapapagod ang gayong mga paglalakbay at kung minsan ay mapanganib pa nga. Noong 1963 samantalang dumadalaw sa isang kombensiyon sa Liberia, si Brother Henschel ay naging biktima ng isang marahas na pag-uusig dahil sa pagtangging makibahagi sa isang seremonyang makabayan.a Walang-takot na nagbalik si Brother Henschel sa Liberia makalipas lamang ang ilang buwan upang makipag-usap sa pangulo ng bansa at humiling ng higit na kalayaan ng pagsamba para sa mga Saksi ni Jehova roon.

Kapag nilulutas ang mabibigat na mga problema at mga hamon, si Brother Henschel ay may reputasyon sa pagiging praktikal, marunong makibagay, at makatuwiran. Ang kaniyang mga kasamahan ay nagpahalaga lalo na sa kaniyang pagiging maayos, mahinhin, at sa kaniyang pagiging marunong magpatawa. Siya ay nagtaglay ng isang matalas na memorya, anupat pinaligaya niya ang maraming misyonero sa buong daigdig sa pamamagitan ng mabilis na pag-alaala sa kanilang mga pangalan, sa paggamit ng isa o dalawang salita sa lokal na wika, at sa patudyong paggamit ng salita​—na binibigkas niya nang pabiro.

Ang Mikas 6:8 ay nagpapaalaala sa atin na nais ng Diyos na Jehova na ating “ibigin ang kabaitan.” Si Milton Henschel ay maaalaala sa pagpapakita ng halimbawa sa bagay na ito. Sa kabila ng kaniyang mabigat na pananagutan, siya ay nanatiling madaling lapitan, malumanay, at mabait. Lagi niyang sinasabi, “Kapag nag-aalinlangan ka kung paano haharapin ang isang kalagayan, tandaan na ang mabait na bagay ang siyang tamang bagay.” Bagaman namimighati tayo sa pagkamatay ng minamahal na kapatid na ito, ikinagagalak naman natin na siya ay matapat na nakapagbata hanggang sa katapusan at may katiyakang tatanggap ng kaniyang gantimpala, “ang korona ng buhay.”​—Apocalipsis 2:10.

[Talababa]

a Tingnan ang 1977 Yearbook of Jehovah’s Witnesses, pahina 171-7.

[Larawan sa pahina 31]

Si M. G. Henschel kasama ni N. H. Knorr

[Larawan sa pahina 31]

Kasama ang kaniyang asawa, si Lucille

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share