Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w03 12/1 p. 32
  • Mga Imbakang-Tubig na Hindi Makapaglalaman ng Tubig

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Imbakang-Tubig na Hindi Makapaglalaman ng Tubig
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2003
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2003
w03 12/1 p. 32

Mga Imbakang-Tubig na Hindi Makapaglalaman ng Tubig

NOONG panahon ng Bibliya, ang mga imbakang-tubig ay mga butas na ginawa ng tao sa ilalim ng lupa at pangunahin nang ginagamit para tipunan ng tubig. May mga panahon noon, sa Lupang Pangako, nang ang mga ito lamang ang tanging paraan upang mapanatili ang napakahalagang suplay ng tubig.

Nang isulat niya ang kapahayagan ng Diyos, tinukoy ni propeta Jeremias ang mga imbakang-tubig sa makasagisag na diwa, na nagsasabi: “Dalawang masasamang bagay ang ginawa ng aking bayan: Iniwan nila ako, ang bukal ng tubig na buháy, upang humukay para sa kanilang sarili ng mga imbakang-tubig, mga imbakang-tubig na sira, na hindi makapaglalaman ng tubig.”​—Jeremias 2:13.

Iniwan ng mga Israelita ang kanilang Diyos, si Jehova​—“ang bukal ng tubig na buháy”​—​at bumaling sa mabuway na mga pakikipag-alyansang militar sa paganong mga bansa at sa pagsamba sa walang-silbi at bulaang mga bathala. Ang gayong inaasahang mga dakong kanlungan, ayon sa paghahambing ni Jeremias, ay mistulang mga imbakang-tubig na tumutulo at walang anumang kakayahang magsanggalang o magligtas.​—Deuteronomio 28:20.

May aral ba para sa atin sa ngayon sa makasaysayang halimbawang ito? Gaya noong araw ni Jeremias, ang walang-hanggang Diyos, si Jehova, ang siya pa ring tanging Bukal ng nagbibigay-buhay na tubig. (Awit 36:9; Apocalipsis 4:11) Ang mga tao ay makatatanggap ng buhay na walang hanggan mula lamang sa kaniya, sa pamamagitan ng kaniyang Anak, si Jesu-Kristo. (Juan 4:14; 17:3) Gayunman, tulad ng mga kapanahon ni Jeremias, pinipili ng karamihan sa sangkatauhan ngayon na itakwil at pahinain pa nga ang impluwensiya ng salita ng Diyos na nakasulat sa Bibliya. Sa halip, umaasa sila sa waring madaling mga solusyon sa pulitika, walang-katuturang mga pangangatuwiran ng tao, at walang-saysay na mga ideolohiya at pilosopiyang lumalapastangan sa Diyos. (1 Corinto 3:18-​20; Colosas 2:8) Maliwanag kung ano ang dapat piliin. Saan ka maglalagak ng iyong tiwala? Sa “bukal ng tubig na buháy,” kay Jehova, o sa “mga imbakang-tubig na sira, na hindi makapaglalaman ng tubig”?

[Larawan sa pahina 32]

Terakotang pigurin ng inang diyosa na natagpuan sa libingan sa Israel

[Credit Line]

Photograph taken by courtesy of the British Museum

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share