Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w04 2/1 p. 32
  • Isang Matapat na Budhi

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Isang Matapat na Budhi
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2004
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2004
w04 2/1 p. 32

Isang Matapat na Budhi

ISANG araw, samantalang naglalakbay pauwi mula sa trabaho, nawala ni Charles, na isang empleado sa isang unibersidad sa Kenya, ang kaniyang cell phone. Sa Kenya, mamahaling luho pa rin ang mga ito.

“Hindi ko inaasahang may magsasauli nito,” ang sabi ni Charles. Subalit pagkalipas ng ilang araw, nagulat siya nang tumanggap siya ng isang tawag sa telepono mula sa tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa Kenya. Hindi siya makapaniwala sa narinig niya nang hilingan siyang pumunta sa sangay at kunin ang kaniyang cell phone! Nalaman ni Charles na isang buong-panahong ministro pala ng mga Saksi ni Jehova ang nakasakay sa sasakyang sinakyan din niya at nasumpungan nito ang cell phone. Sa pagsisikap na masumpungan ang may-ari nito, dinala ng ministro ang cell phone sa tanggapang pansangay, at nang maglaon ay natunton ng mga boluntaryong manggagawa roon si Charles sa pamamagitan ng numero ng telepono na nasa cell phone.

“Lubha kong pinahahalagahan ang mga pagsisikap na isinagawa upang makipag-ugnayan sa akin sa kabila ng lahat ng hirap na nasasangkot,” ang sabi ni Charles sa isang liham na isinulat niya sa tanggapang pansangay. “Taos-puso akong nagpapasalamat sa mga miyembro ng inyong organisasyon na nakasumpong sa cell phone, anupat hinanap ako, at isinauli ito. Mahirap makasumpong ng isang taong matapat sa ngayon, subalit nakapagpapatibay-loob na may ilan pang namumukod-tangi bilang tunay na mga Saksi ng Diyos na Jehova.”

Ang mga Saksi ni Jehova sa lahat ng dako ay kilala sa kanilang pagkamatapat. Tinutularan nila si apostol Pablo, na nagsabi: “Nagtitiwala kami na kami ay may matapat na budhi, yamang nais naming gumawi nang matapat sa lahat ng bagay.” (Hebreo 13:18; 1 Corinto 11:1) Nauunawaan nila na ang gayong paggawi ay nagbibigay ng kaluwalhatian sa Diyos na Jehova, gaya ng sinabi ni Jesus: “Pasikatin ninyo ang inyong liwanag sa harap ng mga tao, upang makita nila ang inyong maiinam na gawa at magbigay ng kaluwalhatian sa inyong Ama na nasa langit.”​—Mateo 5:16.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share