Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w04 3/1 p. 32
  • Mapagagaling ba ng Pananampalataya ang Maysakit?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mapagagaling ba ng Pananampalataya ang Maysakit?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2004
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2004
w04 3/1 p. 32

Mapagagaling ba ng Pananampalataya ang Maysakit?

KAPAG may sakit tayo, hangad nating guminhawa at gumaling. Malamang, nalaman mo mula sa Bibliya na madalas na nagpagaling si Jesu-Kristo ng lahat ng uri ng karamdaman, anupat nagdulot ng kaginhawahan sa maraming maysakit. Paano nangyari ang gayong mga pagpapagaling? Sa pamamagitan ng “kapangyarihan ng Diyos,” ang sabi ng Bibliya. (Lucas 9:42, 43; Gawa 19:11, 12) Kaya, ang banal na espiritu mula sa Diyos ang nagpangyari ng paggaling, hindi lamang ang pananampalataya ng indibiduwal. (Gawa 28:7-9) Iyan ang dahilan kung bakit hindi hiniling ni Jesus na ipahayag ng mga maysakit ang kanilang pananampalataya sa kaniya upang sila ay gumaling.

Baka itanong mo: ‘Lipas na ba ang makahimalang mga pagpapagaling, o mangyayari bang muli ang uri ng mga pagpapagaling na isinagawa ni Jesus? Ano ang pag-asa para sa mga pinahihirapan ng isang makirot o di-malunasang sakit?’

Ipinaliliwanag ng Bibliya na sa bagong sanlibutan ng katuwiran ng Diyos, pangyayarihing muli ng kapangyarihan ng Diyos ang uri ng makahimalang mga pagpapagaling na isinagawa ni Jesus samantalang nasa lupa. Ang mga Saksi ni Jehova sa inyong lugar ay maliligayahang ipakita sa iyo kung paano at kailan gagawin ng Diyos ang hindi kailanman magagawa ng nagpapagaling sa pamamagitan ng pananampalataya​—alisin ang lahat ng sakit, gayundin ang kamatayan. Oo, “lalamunin [ng Diyos] ang kamatayan magpakailanman.”​—Isaias 25:8.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share