Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w05 5/1 p. 32
  • Kung Paano Gagawing Makabuluhan ang Bawat Araw

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kung Paano Gagawing Makabuluhan ang Bawat Araw
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2005
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2005
w05 5/1 p. 32

Kung Paano Gagawing Makabuluhan ang Bawat Araw

“IPAKITA mo sa amin kung paano bibilangin ang aming mga araw upang makapagtamo kami ng pusong may karunungan.” (Awit 90:12) Ito ang mapagpakumbabang panalangin ng manunulat ng Bibliya na si Moises. Ano ang espesipikong hinihiling niya? Dapat din ba tayong gumawa ng gayong mapagpitagang paghiling?

Sa talata 10, nanaghoy si Moises hinggil sa kaiklian ng buhay ng tao. Sa ibang pagkakataon, iniulat niya ang pananalita ni Job, na nagsabi: “Ang tao, na ipinanganak ng babae, ay maikli ang buhay at lipos ng kaligaligan.” (Job 14:1) Maliwanag na talagang batid ni Moises ang kaiklian ng buhay ng di-sakdal na tao. Kaya, itinuturing niya ang bawat araw ng buhay bilang isang mahalagang kaloob. Sa pagsusumamong ito sa Diyos, ipinahayag ni Moises ang pagnanais niyang gamitin nang may katalinuhan ang kaniyang natitirang buhay, sa paraang makalulugod sa kaniyang Maylalang. Hindi ba dapat din nating gamitin ang bawat araw ng ating buhay sa makabuluhang paraan? Iyan ang sisikapin nating gawin kung nais natin ang pagsang-ayon ng Diyos ngayon.

May karagdagang dahilan na nagpakilos kapuwa kina Moises at Job, isang dahilan na dapat ding magpakilos sa atin. Ang makadiyos na mga lalaking ito ay kapuwa tumatanaw sa isang gantimpala sa hinaharap​—buhay sa lupa sa ilalim ng mas mabubuting kalagayan. (Job 14:14, 15; Hebreo 11:26) Sa panahong iyon, hindi wawakasan ng kamatayan ang mabubuting gawa ng sinuman. Layunin ng ating Maylalang na mabuhay magpakailanman sa paraisong lupa ang mga tapat. (Isaias 65:21-​24; Apocalipsis 21:3, 4) Ito rin ang maaaring maging pag-asa mo kung ‘bibilangin mo ang iyong mga araw upang makapagtamo ka ng pusong may karunungan.’

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share