Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w05 8/1 p. 32
  • Ginantimpalaan ang Malayong Paglalakbay

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ginantimpalaan ang Malayong Paglalakbay
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2005
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2005
w05 8/1 p. 32

Ginantimpalaan ang Malayong Paglalakbay

GALING sa Demokratikong Republika ng Congo ang report tungkol sa magkapatid na babaing nagpasiyang maglakbay nang malayo sa isang lugar na ginigiyagis ng digmaan upang dumalo sa “Magbigay ng Kaluwalhatian sa Diyos” na Pandistritong Kombensiyon sa Lisala. Bukod sa espirituwal na instruksiyon at pagsasamahang Kristiyano na inasahan nilang matatamasa sa kombensiyon, sabik din silang makita ang mga kinatawan ng tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa Kinshasa. Dahil sa digmaang sibil sa bansa, maraming taon na rin nilang hindi nakikita ang sinuman mula sa sangay, at nais nilang samantalahin ang pagkakataong ito na makita sila.

Sakay ng bangka, ang magkapatid na babae ay tumulak patungong Lisala mula sa kanilang tinubuang-bayan na Basankusu, mga 300-kilometrong paglalakbay sa kagubatan at sa kahabaan ng dalawang ilog. Inabot sila nang tatlong linggo sa paglalakbay. Yamang pareho silang nasa buong-panahong ministeryo, nakapaglingkod nang 3 taon ang isa at 19 na taon naman ang isa, sinamantala nila ang paglalakbay na iyon upang mapalaganap ang mabuting balita ng Kaharian. Gumugol sila ng mga 110 oras sa pangangaral sa mga nasusumpungan nila sa daan, at nakapagpasakamay ng 200 tract at 30 magasin.

Sa kahabaan ng ilog, kinailangan nilang mamangka sa gitna ng mga hipopotamus at mga buwaya na madalas makita sa rehiyong iyon. Hindi sila puwedeng mamangka sa ilog kung gabi​—walang namamangka pagkagat ng dilim! Dumaan din sila sa maraming checkpoint ng militar.

Bagaman napakalayo at nakapapagod ang paglalakbay na ito, masaya ang magkapatid sa kanilang pagsisikap. Pareho silang puspos ng pagpapahalaga at kagalakan sa pagdalo sa kombensiyon sa Lisala. Nag-uumapaw ang kanilang puso sa labis na pananabik sa katotohanan, at napasigla sila sa pakikisama sa 7,000 kapatid na naroroon. Pagkatapos ng kombensiyon, gayundin kahirap ang pag-uwi nila, kung saan ligtas at buháy na nadatnan nila ang kanilang mga pamilya.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share