Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w06 7/15 p. 32
  • “Mula Ngayon, Naniniwala na Akong May Diyos”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Mula Ngayon, Naniniwala na Akong May Diyos”
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2006
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2006
w06 7/15 p. 32

“Mula Ngayon, Naniniwala na Akong May Diyos”

PAUWI na noon mula sa trabaho si Alexandra, isang babaing taga-Ukraine na nakatira sa Prague, Czech Republic. Sa hintayan ng bus, napansin niya ang isang maliit na case, na nasisipa ng mga nagdaraan. Nang damputin niya ito at tingnan ang laman, hindi siya makapaniwala. Isang bungkos ng tig-lilimang libong koruna! Parang wala namang naghahanap sa case na ito sa paligid niya. Bilang dayuhang nakatira sa Czech Republic, hirap sa buhay si Alexandra. Ano kaya ang gagawin niya?

Pag-uwi ng bahay, ipinakita ni Alexandra ang case sa kaniyang anak na si Victoria. Hinanap nila rito ang pangalan at adres ng may-ari pero wala silang makita. Gayunman, nakita nila ang isang piraso ng papel na may nakasulat na mga numero. Nakasulat doon ang isang account number, at sa likod nito ay may ilan pang mga numero. Nakita rin nila sa case ang ilang direksiyon patungo sa isang bangko roon at isang nota na may nakasulat na “330,000 koruny” (mga $10,000, U.S.). Iyon ang eksaktong laman ng case.

Nang gamitin ni Alexandra ang inakalang numero ng telepono, hindi niya makontak ang bangko. Kaya pumunta na silang mag-ina sa bangko at ipinaliwanag ang nangyari. Itinanong nila ang account number na nakita nila sa case. Pero walang rekord ng ganoong account ang bangko. Kinabukasan, nagbalik si Alexandra dala ang isa pang numerong nakita nila sa case. Mayroon ngang ganoong account number ang isang kostumer ng bangko, isang babae. Nakipag-ugnayan ang mag-inang Alexandra at Victoria sa babae, at sinabi nitong nawalan nga siya. Nang magkita na sila sa wakas, laking pasasalamat ng babae sa kanila at nagtanong, “Ano ang gusto ninyong kapalit sa pagsasauli ng pera ko?”

Sumagot si Victoria: “Wala pong kapalit iyon. Kung gusto po namin ng pera, hindi na sana namin isinauli iyan.” Sa kakaunting salitang Czech na alam niya, ipinaliwanag niya: “Isinauli po namin ang pera ninyo dahil mga Saksi ni Jehova kami. Hindi po makakayanan ng aming sinanay-sa-Bibliyang konsiyensiya na itago ang hindi sa amin.” (Hebreo 13:18) Natutuwang sinabi ng babae, “Mula ngayon, naniniwala na akong may Diyos.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share