Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w06 10/15 p. 32
  • “Bakit Tayo Naririto?”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Bakit Tayo Naririto?”
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2006
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2006
w06 10/15 p. 32

“Bakit Tayo Naririto?”

SINABI ni Elie Wiesel, nagwagi ng Nobel Prize at nakaligtas sa Nazi Holocaust, na ito ang “pinakamahalagang tanong na kailangang pag-isipan ng tao.” Ano ito? Ang tanong na, “Bakit tayo naririto?”

Napag-isipan mo na ba ang tanong na iyan? Marami na ang nagtanong niyan, subalit hindi nila masumpungan ang sagot. Hinggil sa kaniyang pagsisikap na malaman ang kahulugan ng buhay, sumulat ang istoryador na taga-Britanya na si Arnold Toynbee: “Ang tunay na tunguhin ng tao ay luwalhatiin ang Diyos at maligayahang kasama Niya magpakailanman.”

Kapansin-pansin, mahigit tatlong milenyo na ang nakalilipas, natuklasan na ng isa pang tao, na kilalang mapagmasid sa mga pangyayari sa buhay, ang saligang sagot sa tanong na iyan. Sinabi ng matalinong haring si Solomon: “Ang katapusan ng bagay, matapos marinig ang lahat, ay: Matakot ka sa tunay na Diyos at tuparin mo ang kaniyang mga utos. Sapagkat ito ang buong katungkulan ng tao.”​—Eclesiastes 12:13.

Ang saligang prinsipyong ito ay sinuportahan ng Anak ng Diyos, si Jesu-Kristo. Nang nasa lupa si Jesus, pinagsikapan niyang mabuti na luwalhatiin ang kaniyang makalangit na Ama. Naging makabuluhan ang buhay ni Jesus dahil sa paglilingkod niya sa kaniyang Maylalang. Ito ang nagpalakas sa kaniya, kaya naman nasabi niya: “Ang aking pagkain ay ang gawin ko ang kalooban niya na nagsugo sa akin.”​—Juan 4:34.

Kaya bakit tayo naririto? Tulad ni Jesus, ni Solomon, at ng marami pang mga lingkod ng Diyos, masusumpungan natin ang tunay na kahulugan ng buhay at ang namamalaging kaligayahan sa pamamagitan ng paggawa ng kalooban ng Diyos. Gusto mo bang makaalam nang higit pa kung paano sasambahin ang Diyos “sa espiritu at katotohanan”? (Juan 4:24) Malulugod ang mga Saksi ni Jehova sa inyong lugar na tulungan kang masagot ang tanong na “Bakit tayo naririto?”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share