Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w07 12/1 p. 3
  • Posible Kayang Magkaisa ang Buong Daigdig?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Posible Kayang Magkaisa ang Buong Daigdig?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2007
  • Kaparehong Materyal
  • Nagtatamasa ng Napakahalagang Pagkakaisa ang Pamilya ni Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1996
  • Panatilihin ang Pagkakaisa sa mga Huling Araw na Ito
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1996
  • Pinagkakaisa ang mga Tao sa Buong Daigdig—Paano?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2007
  • Pagkakaisa​—Katangian ng Tunay na Pagsamba
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2010
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2007
w07 12/1 p. 3

Posible Kayang Magkaisa ang Buong Daigdig?

SAAN kaya patungo ang ating daigdig​—sa kapayapaan o sa kapahamakan? Alinman dito ay parang posibleng mangyari.

Umaasa ang ilang lider ng mga bansa na posibleng makamit ang pandaigdig na kapayapaan​—nasabi nila ito dahil kung mabibigo ang kanilang inaasahan, nakapangingilabot isipin ang maaaring kasadlakan ng daigdig. Samantala, marami ang nanginginig sa takot sa mga tanong na gaya nito: Anu-anong bansa ang may mga sandata para sa lansakang pagpuksa? Maglalakas-loob kaya silang gamitin ang mga ito? Paano na kaya tayo kung gagamitin nila ang mga ito?

Napakatagal nang hinahadlangan ng kompetisyon at pagtatangi ang pag-asang magkaroon ng pagkakaisa, at sa halip na pahupain ng relihiyon ang mga ito, ginagatungan pa nga nila ang apoy ng hidwaan. “Anumang bagay na nagiging dahilan ng pagkakabaha-bahagi ay maaaring lumikha ng poot, at relihiyon ang isa sa pangunahing dahilan kung bakit nagkakawatak-watak ang mga tao,” ang isinulat ng peryodistang si James A. Haught. “Sa kabila ng karaniwang paniniwalang ‘pinababait’ ng relihiyon ang mga tao, kitang-kitang ito pa nga ang nag-uudyok sa ilang tao na gumawa ng karumal-dumal na mga bagay.” Ganiyan din ang palagay ng awtor na si Steven Weinberg. “Para gumawa ng masama ang mabubuting tao​—relihiyon ang kailangan,” ang isinulat niya.

May pag-asa pa kayang magkaisa ang ating daigdig? Mayroon! Pero ang pinagmumulan ng pagkakaisa ng daigdig ay hindi tao o gawang-taong mga relihiyon, gaya ng makikita natin.

[Blurb sa pahina 3]

Ang daigdig ba ay parang granada na puwedeng sumabog anumang oras?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share