Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w07 12/1 p. 32
  • May Bibliya ba si Jesus?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • May Bibliya ba si Jesus?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2007
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2007
w07 12/1 p. 32

May Bibliya ba si Jesus?

WALANG Bibliya si Jesus. Bakit? Dahil hindi pa kumpleto noon ang Bibliya. Subalit iniingatan sa mga sinagoga ang mga balumbong naglalaman ng mga kasulatan na naging bahagi ng Bibliya natin sa ngayon. Binasa ni Jesus sa sinagoga sa Nazaret ang balumbon ni Isaias. (Lucas 4:16, 17) Narinig ni apostol Pablo ang “pangmadlang pagbabasa ng Kautusan at ng mga Propeta” sa Antioquia sa Pisidia. (Gawa 13:14, 15) At sinabi ng alagad na si Santiago na ang mga isinulat ni Moises ay ‘binabasa nang malakas sa mga sinagoga sa bawat sabbath.’​—Gawa 15:21.

May personal na kopya ba ng mga balumbon ng Banal na Kasulatan ang mga taong nabuhay noong unang siglo? Maliwanag na may mga balumbon ng Banal na Kasulatan ang bating na Etiope mula sa korte ni Reyna Candace, dahil nang salubungin siya ng alagad na si Felipe sa daan patungong Gaza ‘nakaupo siya sa kaniyang karo at binabasa nang malakas ang propetang si Isaias.’ (Gawa 8:26-30) Hiniling ni apostol Pablo kay Timoteo na dalhin “ang mga balumbon, lalo na ang mga pergamino.” (2 Timoteo 4:13) Bagaman hindi sinabi ni Pablo kung ano ang mga balumbon na iyon, malaki ang posibilidad na ang mga iyon ay bahagi ng Hebreong Kasulatan.

Sinabi ng isang propesor ng mga wikang Semitiko na si Alan Millard na sa mga Judio, posibleng yaon lamang “mga prominente sa Palestina, mga nag-aangking edukado, at ilang Pariseo at guro gaya ni Nicodemo” ang may mga balumbon ng Kasulatan. Ang isang dahilan nito ay ang presyo ng mga balumbon. Tinataya ni Millard na “anim hanggang sampung denario ang halaga ng isang kopya ng Isaias” at ang kumpletong Hebreong Bibliya ay “katumbas ng 15 hanggang 20 balumbon,” o maaaring magkahalaga ng halos kalahating taóng sahod.

Hindi sinasabi ng Bibliya kung si Jesus o ang kaniyang mga alagad ay may personal na kopya ng mga balumbon ng Bibliya. Pero walang alinlangan na alam na alam ni Jesus ang Kasulatan, anupat kaya niya itong tukuyin at sipiin kahit wala siyang personal na kopya nito. (Mateo 4:4, 7, 10; 19:4, 5) Yamang karaniwan nang napakamura at napakadaling makakuha ng kopya ng Bibliya sa ngayon, tiyak na may mas matibay tayong dahilan para pag-aralan itong mabuti.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share