Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w13 3/1 p. 16
  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2013
  • Kaparehong Materyal
  • Bakit Tinawag na Anak ng Diyos si Jesus?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Bakit Isinugo ng Diyos si Jesus sa Lupa?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2012
  • Sino si Jesu-Kristo?
    Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
  • Anak ba Talaga ng Diyos si Jesus?
    Gumising!—2006
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2013
w13 3/1 p. 16

SAGOT SA MGA TANONG SA BIBLIYA

Bakit tinawag na Anak ng Diyos si Jesus?

Ang Diyos ay walang literal na asawa para magsilang ng kaniyang mga anak. Siya ang Maylalang sa lahat ng bagay na may buhay. Ang mga tao ay nilalang na may kakayahang tularan ang mga katangian ng Diyos. Kaya ang unang taong nilalang ng Diyos, si Adan, ay tinawag na “anak ng Diyos.” Si Jesus ay tinawag ding “Anak ng Diyos” dahil nilalang siyang taglay ang mga katangian ng kaniyang Ama.​—Basahin ang Lucas 3:38; Juan 1:14, 49.

Kailan nilalang si Jesus?

Nilalang ng Diyos si Jesus bago lalangin si Adan. Sa katunayan, si Jesus ay ginamit ng Diyos bilang katulong sa paglikha ng iba pang mga bagay, pati na ng mga anghel. Iyan ang dahilan kung bakit tinatawag si Jesus sa Bibliya na “panganay sa lahat ng nilalang” ng Diyos.​—Basahin ang Colosas 1:15, 16.

Bago isilang sa Betlehem, si Jesus ay isang anghel sa langit. Nang dumating ang takdang panahon, inilipat ng Diyos ang buhay ni Jesus mula sa langit tungo sa sinapupunan ni Maria para maisilang siya bilang tao.​—Basahin ang Lucas 1:30-32; Juan 6:38; 8:23.

Bakit pinangyari ng Diyos na isilang si Jesus sa lupa bilang tao? Anong mahalagang papel ang ginampanan ni Jesus? Makikita mo sa Bibliya ang mga sagot, at matutulungan ka ng mga iyan na lalong maunawaan at mapahalagahan ang ginawa ng Diyos at ni Jesus para sa iyo.

Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang kabanata 4 ng aklat na ito, Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?, na inilalathala ng mga Saksi ni Jehova

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share