Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w13 10/1 p. 5
  • Ang Ginawa ng Diyos Para Iligtas ang Tao

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Ginawa ng Diyos Para Iligtas ang Tao
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2013
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Ipinangako ng Diyos sa Pamamagitan ng mga Propeta
    Tunay na Pananampalataya—Ang Susi Mo sa Maligayang Buhay
  • Ang Mesiyas! Tagapagligtas Mula sa Diyos
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2009
  • “Nasumpungan Na Namin ang Mesiyas”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2006
  • Hinintay Nila ang Mesiyas
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2011
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2013
w13 10/1 p. 5

TAMPOK NA PAKSA | ANO ANG NILALAMAN NG BIBLIYA?

Ang Ginawa ng Diyos Para Iligtas ang Tao

Ipinangako ng Diyos sa tapat na si Abraham na ang inihulang “binhi” ay magmumula sa kaniyang mga inapo. Sa pamamagitan ng binhing iyon, pagpapalain ang mga tao ng “lahat ng bansa.” (Genesis 22:18) Nang maglaon, lumipat sa Ehipto ang apo ni Abraham na si Jacob, kung saan ang pamilya niya ay lumaki at naging ang sinaunang bansang Israel.

Pagkaraan nito, isang malupit na Paraon sa Ehipto ang umalipin sa mga Israelita. Ginamit ng Diyos ang propetang si Moises para akayin ang Israel palabas ng Ehipto. Tumawid sila sa Dagat na Pula, na ang tubig ay makahimalang nahati. Pagkatapos, ang Diyos ay nagbigay ng kautusan sa Israel, kasama na ang Sampung Utos, para gabayan at protektahan sila. Espesipikong binanggit ng mga kautusan ang mga handog para sa kapatawaran ng mga kasalanan. Sa ilalim ng patnubay ng Diyos, sinabi ni Moises sa Israel na magsusugo ang Diyos ng isa pang propeta. Ang propetang iyon ang magiging ipinangakong “binhi.”

Pagkalipas ng mahigit 400 taon, ipinangako ng Diyos kay Haring David na ang darating na “binhi” na inihula sa Eden ay mamamahala sa isang kaharian na mananatili magpakailanman. Ang isang iyon ang magiging Mesiyas, ang Manunubos na inatasan ng Diyos na magligtas sa sangkatauhan at magsauli ng Paraiso sa lupa.

Sa pamamagitan ni David at ng iba pang propeta, unti-unting isiniwalat ng Diyos ang higit pa tungkol sa Mesiyas. Inihula nila na siya ay magiging mapagpakumbaba at mabait at na sa ilalim ng kaniyang pamamahala, magwawakas ang gutom, kawalang-katarungan, at digmaan. Magkakaroon ng kapayapaan ang mga tao sa isa’t isa at maging sa mga hayop. Ang sakit, pagdurusa, at kamatayan​—na hindi kailanman bahagi ng orihinal na layunin ng Diyos​—ay mawawala na, at mabubuhay-muli sa lupa ang mga namatay.

Inihula ng Diyos sa pamamagitan ni propeta Mikas na ang Mesiyas ay ipanganganak sa Betlehem. Sa pamamagitan naman ni propeta Daniel, inihula ng Diyos na ang Mesiyas ay papatayin. Pero ibabangon ng Diyos ang Mesiyas mula sa mga patay at itatalaga siya bilang Hari sa langit. Patiunang nakita rin ni Daniel na permanenteng papalitan ng Mesiyanikong Kaharian ang lahat ng iba pang pamahalaan. Talaga bang dumating ang Mesiyas gaya ng inihula?

​—Batay sa Genesis, kabanata 22-50, gayundin sa Exodo, Deuteronomio, 2 Samuel, Awit, Isaias, Daniel, Mikas, Zacarias 9:9.

ANG BANAL NA PANGALAN NG DIYOS

Unang lumitaw sa Bibliya ang pangalang Jehova sa Genesis 2:4. Ang pangalang ito na nauukol lamang sa Diyos ay mga 7,000 ulit na lumitaw sa mga manuskrito sa orihinal na wika ng Banal na Kasulatan. Tinitiyak sa atin ng kahulugan nito​—“Kaniyang Pinangyayaring Magkagayon”​—na kayang-kayang tuparin ng Diyos ang lahat ng kaniyang layunin at pangako.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share